^

Dr. Love

Gising Cynthia!

-
Dear Dr. Love,

Hi! I’m Cynthia. Hope you could help me with my problem.

May live-in partner ako–si Billy, 36 years-old. Halos 14 years na siyang nagtatrabaho dito sa Maynila. Unang pagsasama pa lang namin ay halos P500 lang ang natitira sa suweldo niya. Umutang kasi siya na ginamit ng kapatid niya nang mangibang-bansa ito. Bukod pa rito ay nagpapadala rin siya ng pera buwan-buwan sa iba pa niyang mga kapatid na nag-aaral sa probinsiya.

Dalawang taon na kaming nagsasama ay ganoon pa rin ang sistema. Nagtitipid kami at wala kaming anumang appliances para lang makapagpadala siya ng pera. Minsan ay nagre-react ako pero ikinagagalit niya ito. Dapat ko raw siyang unawain at huwag daw akong gumaya sa mga babaing nang-iwan sa kanya dahil sa kanyang kakuriputan.

Dr. Love, naiinggit ako sa mga katrabaho niyang may mga sariling bahay na at di-tulad namin na nangungupahan pa rin hanggang ngayon. Bayani ba ang live-in partner ko o bayaning tanga? Wala ba siyang balak umasenso? Paano na ang magiging future namin? Kailan po ba naging obligasyon ng isang anak na tumulong sa mga kapatid niya at kailan ba dapat sabihing tama na?

Truly yours,

Cynthia


Dear Cynthia,


Ang malaki mong problema ay hindi ang kakulangan ng pera kundi ang iyong pagiging live-in partner sa nakalipas na dalawang taon. Bakit? Kasal ba siya sa iba? Kung hindi’y bakit nananatiling ilegal ang inyong pagsasama?

Kahit super-yaman ang kinakasama mo, ikaw pa rin ang kawawa. Kung ipasya niyang iwanan ka, wala kang habol. Kawawa lalo ang magiging anak ninyo na magiging illegitimate. Kaya mag-isip isip ka.

Kung payag kang maging kerida habambuhay ay talagang tanga ka. Huwag kang magagalit pero gusto lamang kitang matauhan.

Ang pagtulong naman sa kaanak ay hindi masama kung ang tumutulong ay hindi nagkukulang sa pansariling pangangailangan.

Paano kayo nabubuhay sa P500 na kinikita niya? Aba, kabit ka na, gutom ka pa. Gumising ka, Cynthia!

Dr. Love

BAKIT

BAYANI

BUKOD

DALAWANG

DAPAT

DEAR CYNTHIA

DR. LOVE

GUMISING

HUWAG

PAANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with