Huwag sumuko
September 7, 2004 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Magandang araw po sa inyo! Tawagin na lamang ninyo akong Jason. Ako po ay isa sa libu-libong tagahanga ng inyong column sa PSN.
Ako po ay lubos na humahanga sa inyong mga payo tungkol sa pag-ibig at ni sa hinagap ay hindi ko inakala na susulat ako sa inyo upang humingi ng payo. Ang problema ko po ay tungkol sa isang babaeng minamahal ko nang lubos sa buong buhay ko.
Nakilala ko po siya nang hindi sinasadya at hindi ko inakala na mamahalin ko siya nang ganito. Dati-rati ay dinadaanan ko lamang siya tuwing nakakasalubong ko siya sa lobby ng eskuwelahan.
Nang minsang nagkakuwentuhan kami tungkol sa buhay-buhay, humanga ako sa kanya at biglang pinana ako ni kupido. Nagustuhan ko siya dahil mabait siya, matalino, maganda at higit sa lahat, gusto niyang matutunan ang lahat (adventurer). Ganito rin po kasi ako. Hindi ako nakukuntento kung ano ang alam ko, ang gusto ko ay nadaragdagan ang aking kaalaman. Kaya siguro nagkagusto ako sa kanya ay dahil compatible kami.
Ipinagtapat ko po sa kanya ang nadarama ko. Hindi ko po inakala na isang tulad ko na manhid daw pagdating sa pag-ibig ay heto at nagtapat ng pagmamahal sa isang babae.
Ang problema ko po ay ganito, hindi pa raw siya handang magmahal o magka-boyfriend dahil istorbo raw ito sa pag-aaral. Itinuturing niyang piitan ang pagkakaroon ng boyfriend. Ang gusto raw niya ay maging malaya.
Hindi po ako naniniwala sa sinabi niya. Hindi naman kailangang lagi kayong magkasama, nag-uusap, nagpapaalaman at iba pa, hindi ba? Basta may tiwala kayo sa isat isa ay sapat na ito sa aking paniniwala.
Hindi po ako sumuko at hanggang ngayon ay nililigawan ko pa rin siya. At kahit na magtapos na kami sa kolehiyo ay hindi ako susuko.
Sa palagay nyo po ba ay tama lang ang ginagawa ko o dapat na po akong sumuko? Payuhan po sana ninyo ako. Pasensiya na po kung masyadong mahaba ang sulat ko. First time eh.!!!!
Jason
Dear Jason,
Huwag kang sumuko, yaman din lamang na nagtiyaga ka na sa panliligaw sa kanya. Malay mo, sinusubukan lang niya kung gaano ka katatag, kung gaano ka katiyaga para masungkit ang kanyang matamis na "oo."
Malay mo rin, gusto lang muna niyang makatapos ng pag-aaral bago kumuha ng boyfriend at baka gusto rin niyang matapos ka rin ng kolehiyo bago ka niya sagutin. Whatever her reasons are, take your time.
May mga babaeng ganyan. Dinadaan sa pagsubok ang lalaking nanliligaw sa kanila para malaman kung gaano siya kamahal nito. Sa palagay ko ay mabuti naman ito kaysa sa iba na oras o araw lang ang binibilang ay sinasagot na agad ang kanilang manliligaw. Good luck.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am