Kasalanan ng amo, inangkin ng boy
September 3, 2004 | 12:00am
Dear Dr.Love,
Bago ang lahat ay nais kitang batiin, Dr. Love, pati na ang lahat ng mga mambabasa ng malaganap mong column. Naway nasa maayos na kalusugan kayo para magampanan ninyo ang inyong trabaho araw-araw.
Isa po akong masugid na tagasubaybay ng inyong column. Kaya po ako sumulat sa inyo ay dahil sa alam ko pong kayo lang ang makakatulong sa aking problema.
Isa po akong bilanggo sa Pambansang Piitan at nakulong sa salang pagpatay at nahatulan nang 10 years to 17 years na pagkakakulong. Sumulat po ako dahil sa nabasa ko ang padalang sulat ni Mr. Nilo C. Castillo at nagkaroon ako ng interes na sumulat sa inyo. Siya ang naging inspirasyon ko.
Walang takot na inilahad ni Nilo ang kanyang naging buhay sa loob at sa labas at tulad ni Nilo ay dumanas din ako ng katakut-takot na hirap sa loob ng walo at kalahating taon. Dala ng kahirapan kaya ako napadpad sa lugar na ito. Isa akong hardinero noon. Sa edad kong 16 years-old ay marunong na akong magbanat ng buto. Mayaman ang pamilyang pinagtatrabahuhan ko at naging kaibigan kong matalik ang anak ng amo ko. Umabot ng dalawang taon ang trabaho ko sa kanila nang dumating ang isang trahedya sa buhay ko.
Nakapatay ang anak ng amo ko at ipinaamin sa akin ang isang kasalanan na hindi ko naman ginawa. Tumanggi ako sa kanila pero nagbanta sila na ang buhay ko ang magiging kapalit. Dahil sa takot ko ay napilitan akong aminin ang isang kasalanan na hindi ko naman ginawa.
Nangako silang susuportahan nila ako habang akoy nakakulong, pero hindi nagtagal ay nawala ang suportang ipinangako nila sa akin. Naging impiyerno at miserable ang buhay ko nang mahatulan ako. Mula noon ay ipinagpalagay ko nang patay ang sarili ko dahil sa alam ko na wala nang silbi pa ang buhay ko, kung sakaling lumaya man ako.
Pero isang araw sa aking pag-iisa ay may nakilala akong pastor at inin-courage niya akong humawak at magbasa ng Bible. Araw-araw ay nagbabasa ako ng Bible at sa aking pagbabasa ay nagkaroon ng linaw ang aking pag-iisip. Namulat ako sa aking maling pananaw. Marahil nga ay may plano pang maganda ang Diyos para sa akin at sa pamilya ko kung kaya nandito ako ngayon sa lugar na ito. Palaisipan din sa akin na sa dami ng pinagdaanan ko ay hindi ako nawalan ng pag-asa. Sa halip ay naging matibay at matatag akong harapin ang mga pagsubok. Para malampasan ko ang lahat, naging masipag ako para igapang ang sarili ko at upang matustusan ang aking mga pangangailangan sa araw-araw.
Dr. Love, itinago ko po sa mahabang panahon na ito para sa aking pamilya dahil ayokong malaman nila ang nangyari sa aking buhay. Gusto ko lang malaman ng pamilya ko na mahal na mahal ko sila. Sana kahit sa sulat ay maalala nila ako. Hindi ko naman hinihiling sa kanila na bigyan nila ako ng panahon. Ang sa akin lang naman ay malaman nila na masaya na ako kahit sa sulat.
Dr. Love, gusto ko rin po sanang humingi ng mga kaibigan sa inyo kahit sa panulat lang. Iyong totoong tao na tatanggapin ako bilang ako hindi iyong masamang bangungot na nakaraan ko sa buhay. Pero sino nga ba ang taong tatanggap sa mga katulad kong ex-convict? Sana po ay mabigyan nyo ako ng payo at naway magkaroon kami ng komunikasyon ng pamilya ko. Sana po ay mailathala ninyo ang aking sulat sa inyong malaganap na column. Umaasa po ako at nagpapasalamat sa inyo.
Goodluck and more power to your column.
Lubos na gumagalang,
Marco Magdaraog
Bldg. 2, Runner Dormitory 237
MSC, Camp Sampaguita,
1776 Muntinlupa City
Dear Marco,
Malungkot ang kasaysayan mo pero naniniwala ako na kung sadyang wala kang sala, kikilos ang Diyos para sa malaon o madaliy makamtan mo ang mailap na hustisya.
Tama ka, kumapit ka sa Panginoon dahil Siya lang ang totoong makatutulong sa iyo. Huwag kang mawawalan ng pag-asa.
Sanay maraming bagong kaibigan kang matatagpuan sa pamamagitan ng column na ito at maraming salamat sa pagtitiwala mo sa pitak na ito para paglahadan mo ng iyong kasaysayan.
God bless.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended