^

Dr. Love

Sorry My Love

-
Dear Dr. Love,

Warm greetings to you and the members of PSN staff.

Sana po, marapatin ninyong mailathala ang liham na ito para maipaabot sa dati kong girlfriend ang mataos kong paghingi ng paumanhin sa kanya at mga miyembro ng kanyang pamilya sa naidulot kong sama ng loob sa kanila.

Ikakasal na kasi kami noon at naghahanda na sana sa okasyon nang may maganap na hindi inaasahang pangyayari.

May naghabol sa aking isang babae na nagdadalang-tao na. Sa aking mga magulang siya lumapit kasama ang kanyang mga magulang.

Actually, hindi malaman ng aking mga magulang kung paano haharapin ang pangyayari. Nagpagunita ang mga magulang ni Precy na hindi ako makakakuha ng eksamen sa board kung maghahabol siya.

Nag-usap ang mga magulang namin at ng babaeng aking pakakasalan at pilit na inihanap ng solusyon ang malaking kahihiyang kakaharapin ng aming pamilya kung hindi matutuloy ang aming kasal.

Ang kusang umayaw sa kasunduan ay ang babaeng minamahal ko. Hindi raw kami matatahimik kung mayroong ibang lumuluha.

Hindi natuloy ang kasal namin. At pinakasalan ko si Precy kahit labag sa loob ko.

Ang nangyari kasi ay hindi ko kagustuhan. Siya ang kusang lumapit at lalaki lang ako at natukso sa gitna ng kalasingan.

Lumayo ang babaeng mahal ko. Nangibang-bansa at hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin.

Parang impiyerno ngayon ang buhay ko. Binigyan ko nga ng pangalan ang batang naisilang na at mahal ko na rin pero hindi ko matanggap na asawa ko na nga si Precy.

Nakapasa na ako sa eksamen at nagbabalak na mangibang-bansa rin para doon maghanap ng mabuti-buting hanapbuhay.

Pinipigil ako ni Precy, pero buo na ang plano ko.

Nabigyan ko na ng pangalan ang anak ko pero magulo ang buhay ko.

Mahal na mahal ko ang lumayo kong kasintahan. Mayroon pa kayang naghihintay sa aming pag-asang lumigaya?

Sana, mapatawad niya na ako.Marco


Dear Marco,


Masalimuot ang kinakaharap mong problema sa puso. Ang pagpapakasal sa babaeng naghabol sa iyo at nagbantang sisirain ang propesyon mo ay hindi naging solusyon sa problema ninyo.

Sana, kung talagang hindi mo siya mahal, sinuportahan mo na lang ang bata at si Precy.

Ngayong kasal ka na, hindi ba mas may problema kung hahabulin mo pa ang lumayo mong nobya?

Anyway, nandiyan na iyan. Bakit hindi mo sikaping mag-isip-isip muna nang ilang beses bago mo isagawa ang plano mo?

Ang sabi mo, mahal mo ang anak mo.

Paano kung wala ka na? Kaya mo pa kayang makuha ang pagmamahal ng bata kung lalayo ka?

Kahit wala ka sa bansa, hindi ba kaya ring sumunod sa iyo ng pinakasalan mong babae?

Hindi mo man sinabi, ang tingin ng pitak na ito ay mayroon ding sinasabing angkan ang babaeng ito.

Pag-usapan ninyong mabuti ang problema ninyo. Huwag mo siyang daanin sa galit at baka makapag-isip-isip siya at maunawaan din ang kalagayan mo dahil sinagip mo naman sa kahihiyan ang pamilya niya.

Good luck sa iyo at sana, ang kalutasan ng problema mo ay mabigyan ng mahusay na solusyon.

Dr. Love

BAKIT

BINIGYAN

DEAR MARCO

DR. LOVE

HUWAG

IKAKASAL

KUNG

PRECY

SANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with