^

Dr. Love

2 ang boyfriend

-
Dear Dr. Love,

Isa po ako sa libu-libong tagasubaybay ng inyong column. Hindi ko akalaing isang araw ay magkakaroon ako ng problema at susulat sa inyo.

Tawagin na lamang ninyo akong Ms. Libra ng G.M.A, Cavite. Ang problema ko po ay tungkol sa aking boyfriend o mga boyfriends.

Ang una kong boyfriend ay si Mr. Pisces. One year and one month na po ang aming relasyon. Napakabait niya sa akin kahit na nalaman niyang hindi na ako virgin.

Habang on-going ang relasyon namin ay nagkaroon ako ng kaibigan, si Mr. Libra. Araw-gabi niya akong tinetext at hindi nagtagal ay nanligaw na siya sa akin. Inimbitahan niya akong mamasyal. Sumama ako at doon ko siya sinagot. Bale seven months na ang relasyon namin.

Mabait din po sa akin si Mr. Libra at gentleman din. Ang problema ko ay hindi niya alam na may boyfriend na akong iba. Alam din niya na hindi na ako virgin. Sa kabila noon ay minahal pa rin niya ako. Natatakot akong mawala si Mr. Libra dahil mas mahal ko siya kaysa kay Mr. Pisces.

Problema ko rin ang mother ko kasi hindi niya alam na dalawa ang boyfriend ko. Si Mr. Pisces lang ang alam niyang bf ko at boto siya rito. Ayaw niya kay Mr. Libra. Parehong may trabaho ang mga boyfriend ko at pareho kaming malalayo sa isa’t isa. Pero si Mr Libra, araw-gabi akong tinetext samantalamg si Mr. Pisces ay bihira.

Sa ngayon po ay tinitimbang ko sa sarili ko kung sino sa kanilang dalawa ang mahal ko. Patuloy pa rin ang mga relasyon namin. Naguguluhan po ako kung sino sa kanilang dalawa ang dapat kong mahalin. Sana ay matulungan mo akong mag-decide.Umaasa,

Miss G.M.A.


Dear Miss G.M.A.,


Kung ang mahal mo ay ang ikalawa mong boyfriend na si Mr. Libra, makipag-break ka na sa una mong kasintahan na si Mr. Pisces. Huwag kang mamangka sa dalawang ilog at baka makarma ka.

Kahit mas boto ang Nanay mo kay Mr. Pisces, ikaw ang dapat magpasya para sa sarili mo dahil sarili mong future ang nakataya.

Isa pa, unfair ka sa una mong nobyo dahil sa pinagtataksilan mo siya. Tutal, hindi ka pa kasal, puwede ka pang pumili sa kanilang dalawa.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

AKONG

DEAR MISS G

DR. LOVE

ISA

LIBRA

MR. LIBRA

MR. PISCES

NIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with