Kumusta na po kayo? Tawagin na lamang ninyo akong Ms. Libra. Sumulat po ako sa inyo dahil sa malaki kong problema.
Nineteen years-old lamang po ako at siya naman ay 35 years-old at may tatlong anak. Hindi po sila kasal ng ina ng kanyang mga anak at nasa poder niya (lalaki) ang mga anak niya.
Okey lang po sa akin kung mas may edad siya sa akin. Ang importante ay kung mamahalin niya ako. Lagi po kaming nag-uusap kundi man personal ay sa phone dahil busy siya sa business niya. Tuwing gabi ay lagi siyang tumatawag sa akin at kapag umaga naman ay nandiyan ang mga text messages niya at minsan ay tinatawagan niya ako sa cell ko. Hanggang sa maramdaman kong umiibig na ako sa kanya. Siya na lang lagi ang nasa isip ko.
Pero may nangyari sa akin na hindi ko malilimutan. Nagalaw po ako ng aking ex-boyfriend at ito ang problema ko sa tuwing may minamahal ako. Naroroon sa akin ang pagsisisi dahil naniniwala ako na kailangang malinis ang babae kapag ikinasal.
Isang gabi, tumawag siya sa akin at tinanong ko siya kung ano ang gusto niya sa mapapangasawa niya at sinabi niyang ang gusto raw niyang mapangasawa ay birhen pa. Mahal ko siya at ayaw ko siyang mawala sa aking buhay pero nagsinungaling ako sa kanya. Sinabi kong pagmamahal na para sa isang kaibigan ang turing ko sa kanya.
Ilang araw siyang hindi nag-text at wala rin siyang tawag. Pero isang araw, natuwa ako dahil may natanggap akong message mula sa kanya. Nang basahin ko ay kinabahan ako at naiyak. Heto ang kanyang message: "Buhat ng sinabi mo na hindi mo ako mahal, nawalan na ng direksiyon ang buhay ko. Ikaw lang ang buhay ko. Mabuti pang mawala na ako sa mundong ito." Dr. Love, natatakot ako dahil mahal ko siya.
Sana po ay mabigyan ninyo ako ng advice sa problema kong ito.
Lubos na gumagalang,
Ms. Libra,
Dear Ms. Libra,
Kung mahal mo siya, huwag mo siyang linlangin. Makasal man kayot magsama, ang madilim mong lihim ay laging mabigat sa iyong konsensiya.
Ipagtapat mo ang totoo sa kanya. Kung totoong mahal ka niya, tatanggapin niya pati ang iyong nakaraan.
Tutal, tinatanggap mo rin naman siya nang taus-puso kahit na mayroon siyang kinakasama at nagkaroon na siya ng mga anak. Palagay koy mauunawaan ka niya.
Hindi mahalaga ang virginity bastat magiging tapat kayo sa isat isa kapag kayoy nagkatuluyan.
At kung ayawan ka niya pagkatapos mong magtapat, masakit man ay tanggapin mo ang katotohanan.
Tiyak kong makakatagpo ka rin ng ibang iibigin at tapat na magmamahal sa iyo.
Dr. Love