^

Dr. Love

Bumalik ka na sa misis mo

-
Dear Dr. Love,

Isa pong magandang araw sa inyo at sa lahat ng mga miyembro ng PSN staff.

Ito po ang unang liham ko sa malaganap ninyong column at sana, makapag-ambag naman ito ng aral sa inyong mga mambabasa.

Tawagin mo na lang po ako sa taguring "Tiger Lily," 28 taong-gulang at kasalukuyang may mahusay na trabaho sa isang malaking bangko dito sa Metro Manila.

Noon pong una, nadiliman ako sa tinahak kong landas ng buhay at nabulag ako sa isang maling pag-ibig na noong una, akala ko ay tunay at busilak.

May asawa po ang iniibig ko at nabulag ako sa kanyang mga pangakong pakakasalan niya ako dahil nakapagharap na siya ng aplikasyon para pawalang-saysay ang kanyang kasal sa isang babaeng hindi niya inibig. Kasunduan daw ito ng kanilang pamilya at wala siyang nagawa kundi sundin ang kanyang mga magulang.

Nagkaroon sila ng dalawang anak bago raw sila nagkasira at nagpasyang maghiwalay.

Naniwala naman ako sa kanya hanggang may kilala akong nakapagsabi sa akin na hindi pa pala sila hiwalay ng kanyang asawa at sa kanilang tahanan pa rin siya umuuwi.

Kinausap ko siya pero itinanggi niya ang impormasyong nakarating sa akin.

Pinasubaybayan ko siya at tama nga ang impormasyong nakuha ko sa isang kakilala.

Kinalasan ko siya kahit masama sa loob ko dahil minahal ko na nga siya.

Hindi pa dito natapos ang kuwento ng buhay ko dahil minabuti kong kausapin pa ang kanyang maybahay.

Nagpasalamat siya sa akin sa ginawa kong pagkalas sa kanyang asawa at pinatawad sa pag-agaw ko sa kanyang kabiyak.

Sa ngayon ay nakatakda na akong mangibang-bansa para magbagong-buhay.

Hindi ko na rin kinausap pa si Dandy kahit araw-araw ay nagtatangka siyang makausap ako sa telepono at cell phone.

Nag-text na lang ako sa kanya. Magbalik ka na sa misis mo, ang payo ko sa kanya.

Salamat na lang po at naliwanagan ang dati ay nadidiliman kong isip. Ngayon ay maluwag na ang loob ko at isipan na humarap sa Dakilang Maykapal na lagi kong dinadalanginan para patnubayan ako sa pagtahak ko sa landas ng buhay.

Hanggang dito na lang po at sana ay kapulutan ng aral ng iba pa ninyong mambabasa ang karanasan kong ito.

Tiger Lily


Dear Tiger Lily,


Salamat sa liham mo at sana nga ay may mapulot na magandang araw ang ating mga mambabasa mula sa karanasan mo.

Hindi lahat ng nagkamali ay nalulublob na sa kumunoy ng pagkakasala.

Mapalad ka dahil nagliwanag ang kaisipan mo dahil mahal ka ng Panginoon na hindi mo pinagsasawaang dalanginan at hingan ng awa.

Huwag mong kalilimutan ang magandang gawing ito.

Tunay na pinagpapala ang marunong dumalangin at humingi ng tulong sa Maykapal.

Dr. Love

AKO

DAKILANG MAYKAPAL

DEAR TIGER LILY

DR. LOVE

HANGGANG

KANYANG

METRO MANILA

SIYA

TIGER LILY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with