Crush ko ang bf ng bestfriend ko
July 19, 2004 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Magandang araw po. Isa po ako sa libu-libong parukyano ng inyong malaganap na pahayagan at siyempre ng kolum ninyo.
Bilib po ako sa mga advice ninyo sa mga sumusulat sa inyo para humingi ng payo. Kaya naman hindi ko pinalampas ang pagkakataon at lumiham din ako para maibsan ang suliranin ko.
Itago mo na lamang ako sa pangalang Maika. Kasalukuyan akong nagtatrabaho sa San Vicente, San Pedro, Laguna.
May crush po ako sa pinsan ng aking amo. Mabait siya at paminsan-minsan ay nakakakuwentuhan namin siya at nakakabiruan.
Ito marahil ang dahilan kung bakit tumindi ang crush ko sa kanya. Malimit na pinapangarap ko na sanay mapansin niya ako para tugunin ang kinikimkim kong damdamin para sa kanya.
Hanggang isang araw, natuklasan kong boyfriend na pala siya ng bestfriend ko. Ang sama-sama ng loob ko sa aking kaibigan. Ni hindi niya binigyan ng konsiderasyon ang damdamin ko at ang pagkakaibigan naming dalawa. Damdam ko kasi ay sinulot niya sa akin ang crush ko.
Sana po ay mabigyan ninyo ako ng magandang advice. Hindi ko na po pinapansin ang kaibigan ko dahil sa ginawa niya sa akin. Pero masakit din sa loob ko na mawala ang kaibigan kong ito na ngayon ay girlfriend na ng crush ko.
Gumagalang at nagpapasalamat,
Maika
Dear Maika,
Hindi ko nais na biguin ka na kampihan kita sa masaklap mong kapalaran.
Hindi mo dapat na paghinanakitan ang kaibigan mo na ngayon ay girlfriend ng crush mo.
Crush mo lang at hindi mo boyfriend ang itinuturing mong inagaw ng kaibigan mo. Hindi naman siguro gagawin ito ng bestfriend mo kung alam niyang boyfriend mo na siya.
Siguro, kung type ka ng crush mo, naghayag na siya na saloobin sa iyo at hindi sa kaibigan mo. Pero maaaring kaibigan lang ang turing niya sa iyo at mas type niya ang kaibigan mo na maging girlfriend.
Itabi mo na ang sama ng loob sa kaibigan mo at batiin mo na siya. Maaaring nahihiya rin siya sa iyo dahil sa nangyari.
Pero wala tayong magagawa kung sila ang nagkakagustuhan. Hindi mo puwedeng angkinin ang isang lalaki na hindi mo naman boyfriend.
Maghintay ka sa pagdating ng dream boy mo na gusto mo at may gusto rin sa iyo.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am