^

Dr. Love

Iba ang type ng crush niya

-
Dear Dr. Love,

Good day to you & to all the staff of PSN.

Hi! I always read PSN especially your column na talaga namang nakakatulong sa aming mga love problem, kaya sinubukan kong sumulat para mabigyan ng advice.

My problem is about my crush. Matagal ko na po siyang crush at siguro po alam na rin niya na may crush ako sa kanya. Hindi naman po siya nagbabago sa akin at lagi po kaming kinakantiyawan.

Minsan, nag-text ang friend ko sa kanya, nagpasa ng grafix na I Love You. Nagkantiyawan po ang mga friend niya, nahihiya po tuloy ako sa kanya kaya humingi ako ng pasensya sa pamamagitan ng text at sabi niya, ok lang daw at nag-thanks siya.

Nang malaman ko po na nakikipag-text siya sa isa kong friend, nasaktan po ako doon dahil gusto po niyang ligawan ang friend ko at hindi alam ng friend ko na crush ko ‘yung ka-txtmate niya.

Dr. Love, ano po ang dapat kong gawin? Iiwasan ko na lang ba ang crush ko o lumayo na lang ako sa kanila? Umaasa po ako na mabibigyan ninyo ako ng advice sa aking problema.

Take care & God bless. Ms. Lonely Girl


Dear Ms. Lonely Girl,


Kung iba ang gustong ligawan ng crush mo, wala kang magagawa. Alangan namang ipagpilitan mo ang iyong sarili sa kanya. Hindi maganda iyan para sa isang babae.

Huwag ka ring magpakita ng motibo sa sino mang lalaking mapusuan mo. Madalas, sinasamantala iyan ng isang lalaki para makuha ang isang bagay sa babae.

Maraming lalaki riyan na daraan sa iyong buhay at pasasaan ba’t matatagpuan mo rin ang kapalaran mo.

Dr. Love

AKO

ALANGAN

CRUSH

DR. LOVE

HUWAG

I LOVE YOU

IIWASAN

MADALAS

MARAMING

MS. LONELY GIRL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with