Nakaratay sa hospital, pinagaling ni Jesus!

Si Ate Josie Resultay ay isa sa mga miyembro ko na dumadalo tuwing Sabado sa aking cell group na ginaganap sa Hulo, Mandaluyong City. Pero, ilang mga Sabado na ang nakalipas na hindi siya nakakadalo at nalaman ko na lamang na siya pala ay nakaratay sa Mandaluyong City Medical Center Hospital mga I lang linggo na.

Pagkatapos ng aming pagtitipon, ako’y dumiretso sa ospital para bisitahin si Ate Josie. Nang makita ko siya na nakaratay sa higaan na may nasogastric tube at ang nakakabit na intravenous formula, ang puso ay napuno habag.

Dahil sa kanyang kalagayan, hindi siya makapagsalita. Ikinuwento ng kanyang mister ang kasaysayan ng sakit ng kanyang asawa.

Si Ate Josie pala ay sumailalim sa caesarian operation nang iluwal ang kanilang anak. Maraming x-rays ang ginawa sa kanya at ayon sa findings ng duktor, ang parte ng kanyang bituka ay pambihirang lumaki na tumama sa gitna nang isagawa ang caesarian section operation at ito nga raw ang dahilan kung bakit lumolobo ang kanyang tiyan.

Mula nang siya’y ma-ospital, hindi siya makakain. Ipinanalangin ko si Ate Josie habang nakiisa ang buo niyang pamilya na pagalingin siya sa kanyang karamdaman. Ayon sa duktor, kapag walang nakitang improvement sa kalagayan ni Ate Josie, siya ay isasailalim sa operasyon para siya’y mailigtas.

Kinabukasan, bumalik agad ako sa ospital para ipanalangin muli si Ate Josie upang matamo niya ang buong kagalingan. Nang naroon na ako, ang kanyang tiyan ay unti-unting lumiit at ito ang dahilan kung bakit ipinagliban ang kanyang operasyon.

Ilang araw ang lumipas, si Ate Josie ay nakalabas na sa ospital. Bumalik na siya sa pagdalo sa aming cell group.

Kamakailan lamang ay dumalo siya sa pananambahan sa CLSF Center sa Mandaluyong City. Siya ay magaling na magaling na at hindi makitaan ng anumang senyales na siya’y dumanas ng sakit. Totoo talaga ang kasabihan na ang panalangin na may pananalig sa Diyos ay pinakikinggan ng Diyos. Purihin ang

Panginoong Jesu-Cristo sa pagpapagaling kay Ate Josie.

Kuya Art Pugat

Mandaluyong City

(Sa mga nais humingi ng payo, panalangin, pagpapala at iba pa, tumawag lamang sa mga telepono ng CLSF: U-belt, 733-1087; Pandacan, 533-5791/563-2809; Tondo, 251-8243/252-6649; Malabon, 273-8256/270-3863; Q.C., 724-0676; Parañaque, 821-5335; Cainta, 656-7998, at Mandalauyong, 533-5171.)

Show comments