Ako po ay masugid na tagasubaybay ng inyong column. Kaya po ako sumulat sa inyo ay para humingi ng payo.
Ako po ay may ka-live-in. Eight years na po kaming nagsasama pero hanggang ngayon ay ayaw po niya kaming pakasal pa. Tama na raw po yung alam naming nagmamahalan kami sa isat isa.
At katuwiran niya ay yun nga raw may kapirasong papel ay naghihiwalay. Humihingi po ako ng payo sa inyo.
Maraming salamat po. Mistery Girl
Dear Mistery Girl,
Sa batas ng tao at ng Diyos, importante ang kasal. Ang pagsisiping ng babae at lalaki nang walang bendisyon ng Diyos ay kasalanan. Kung pinapahalagahan mo ang turo ng iyong pananampalataya, hindi ka lilihis sa aral na iyan.
Kung batas ng tao ang pag-uusapan, ang mga supling sa pagsasamang walang kasal ay ituturing na illegitimate.
Pababayaan mo ba silang tawaging "anak sa labas?" Hindi mo nasabi kung may anak na kayo. Pero kung ganyan ang attitude niya, sana ngay huwag kayong magkaanak dahil hindi dapat magdusa ang supling sa kalikuan ng magulang. Kumbinsihin mo siyang magpakasal at kung ayaw niya, mag-isip-isip ka kung dapat mong ipagpatuloy ang inyong ilegal na relasyon.
Dr. Love