^

Dr. Love

Alaala ng aming yumaong anak-Tess

-
Kapag tayo ay nawalan ng mahal sa buhay, matagal tayong maka-recover mula dito, hindi ba? Ang aming bunsong anak na si David na nag-aaral sa UP Los Baños ay binawian ng buhay kamakailan at noong Hunyo 5, Sabado, lamang siya inilibing sa sementeryo sa Laguna. Napakabata pa niya nang pumanaw, 19 taong-gulang pa lamang.

Bago pa nangyari ito, alam kong inihahanda na ako ng Panginoon. Isang linggo bago siya bawian ng buhay dahil sa sakit na asthma, naramdaman ko ang lungkot sa puso ko at hindi ko maintindihan kung bakit ganoon ang pakiramdam ko. Yun pala ay mawawala na ang aming bunso. Sa kanilang tatlong magkakapatid, siya na lamang ang nag-aaral at ang dalawa niyang ate ay nagsipagtapos na ng kanilang mga pag-aaral.

Bilang ina, nang malaman namin ng aking asawa na pumanaw na si David (nasa tinitirhan niya malapit sa eskuwela si David nang sumpungin ng kanyang sakit), talaga namang walang kapantay ang lungkot. Dali-dali kaming nagtungo ng aking pamilya sa Laguna mula sa Cagayan de Oro City kung saan kami nakatira. Ang aking mister ay isang pastor.

Nang makita namin ang bangkay ng aming anak, biglang nawala ang kalungkutan sa aking puso dahil alam ko na nasa langit na siya kasama ang Ating Panginoon. Tiyak ako na ligtas siya dahil nang siya ay nabubuhay pa, tinanggap niya ang Panginoong Jesu-Cristo bilang sarili niyang Tagapagligtas, Panginoon at Diyos.

Nang ilibing na siya noong Sabado, binibiro ko pa ang Diyos na dapat ay magkaiba kami ng mansion ng anak ko kapag naroroon na ako sa langit dahil masyadong mapagbiro ang anak ko na tulad ko.

Marami siyang magagandang mga alaala sa amin, sa kanyang mga kaklase sa UPLB at mga kaibigan. Palabiro siya, masayahin, maganda ang asal at pag-uugali, may takot sa Diyos at mabuting makitungo sa kapwa. Kahit wala na si David sa buhay namin, ang bakas ng kanyang buhay ay hindi maaaring malimutan. Darating din ang araw na babawian na ako ng buhay at makakasama kong muli ang aking anak sa piling ng Diyos.

Purihin ang Diyos na kahit buhay pa tayo ay hindi tayo pinababayaan.

Tess ng Cagayan de Oro City


(Sa mga nais humingi ng payo, panalangin, pagpapala at iba pa, tumawag lamang sa mga telepono ng CLSF: U-belt, 733-1087; Pandacan, 533-5791/563-2809; Tondo, 251-8243/252-6649; Malabon, 273-8256/270-3863; Q.C., 724-0676; Parañaque, 821-5335; Cainta, 656-7998, at Mandalauyong, 533-5171.)

ATING PANGINOON

BUHAY

DIYOS

LOS BA

NANG

ORO CITY

PANGINOON

PANGINOONG JESU-CRISTO

SABADO

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with