^

Dr. Love

Pagmamahal ni Romeo kay Beverly

-
Dear Dr. Love,

Ako po ay isang masugid na mambabasa ng inyong article. Everyday, I read the on-line edition of Dr. Love. Like many others, mayroon din po akong problema na sana po ay mabigyan ninyo ng solusyon.

I’m 36 years-old, single, living in Sacramento, California. Last time na nagbakasyon po ako sa Pilipinas, nakilala ko po si Beverly Bueno. Siya po ay housemaid ng pinsan ko sa Maynila.

Hindi ko po alam kung bakit, pero na-attract po ako sa kanya nang lubusan. Problema ko po ay malaki ang agwat ng edad namin at dahil sa naninilbihan siya sa pinsan ko, hindi ko magawang ligawan siya nang lubusan.

Last January, nag-turn 18 po siya. Alam po ni Beverly na may pagtingin ako sa kanya pero hindi ko po malaman kung may pagtingin din po siya sa akin. The few moments na nagkausap kami, hindi naman po siya ilang sa akin at sa palagay ko kung nagkaroon po kami ng pagkakataon na makapag-date ay malamang na natutuhan niya rin po akong mahalin.

Maraming beses ko po siyang inimbitahan na mag-date pero lagi po niyang sagot na di po siya papayagan. Ibinigay ko po sa kanya ang address ko sa California at ang e-mail address ko sakaling gusto niyang sulatan ako.

Sumulat po ako sa kanya, ngunit hindi ko po alam kung natanggap niya ito. Sinabi ko po sa liham ko na kung mayroon akong pag-asa ay sagutin niya ang sulat ko. Ngayon ay hindi na po siya namamasukan sa pinsan ko at siguro ay bumalik na siya sa kanilang probinsya.

Dr. Love kung pwede lang pong ipaabot kay Beverly na gusto kong malaman niya na naghihintay pa rin ako sa sagot niya. At kung pwede lang na sulatan niya ako at sabihin kung may pag-asa ba ako o wala.

Romeo


Dear Romeo,


Bilib din ako sa iyo. Bibihira ang lalaking tulad mo. Biro mo sa paglipas ng panahon, hindi nagbabago ang pagtingin mo kay Beverly gayong nandiyan ka sa lugar na napakaraming magagandang babae and I just hope na ma-realize ito ng babaeng pinakamamahal mo at itinatangi.

Sana ay mabasa ni Beverly ang sulat mong ito at sana ay sulatan ka niya. Just in case nawala niya ang e-mail address mo, naririto: [email protected].

Good luck and please e-mail this column kapag nagkaroon na kayo ng komunikasyon ni Beverly.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

BEVERLY

BEVERLY BUENO

DEAR ROMEO

DR. LOVE

KUNG

LAST JANUARY

NIYA

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with