^

Dr. Love

Ayoko nang magmahal muli

-
Dear Dr. Love,

Good day to you and to all the staff of PSN. I'm one of your avid readers and here I am seeking your advice.

I'm 28 years-old, single, working in a private office. I had a boyfriend before for eight years but we broke off last year. Mahirap talagang mabigo sa pag-ibig. I don't know how to start anew.

Minsan, I feel depressed and empty. Feeling ko, walang direksiyon ang buhay ko at ayaw ko nang magmahal uli. Please give me some advice. Gusto ko rin pong magkaroon ng mga bagong kaibigan. Please give my cell number sa mga gustong makipagkaibigan sa akin.

Thanks, Dr. Love and more power. My cell no. is 0917-9485334. Capricorn Lady


Dear Capricorn Lady,


Thanks for your nice letter. Sana ay huwag kang magsawang sumubaybay sa pitak na ito.

Ikinalulugod kong mabatid na hindi naman pala ganap na nagsasara ang pinto ng puso mo sa pagkakaroon ng mga bagong kaibigan sa kabila ng naging kabiguan mo sa pag-ibig. Indikasyon ito na hindi pa naman talagang nawala ang tiwala mo sa tao.

Anway, mayroong ngang tula na nagsasabing ‘it's better to have loved and lost than never to have loved at all.’

Kung nawalan ka man ng isang minamahal at nabigo ka sa unang pag-ibig, hindi ibig sabihin nito na hindi na iikot ang mundo at mawawalan ka na ng gana sa buhay. Fight it out.

Hindi naman ibig sabihin na ang una mong minamahal ay siya mo nang makakatuluyan sa buhay. Mayroon ngang mag-asawa na at matagal nang nagsasama ay nagkakahiwalay pa.

Maaaring nagkasawaan na lang kayo at dahil sa tagal ng relasyon ninyo, nakapag-isip isip ang isa sa inyo na maaaring hindi talaga kayo compatible sa isa't isa.

Don't regret that you have loved him. Makakakita ka pa ng iba basta harapin mo lang ang katotohanang hindi kayo para sa isa't isa.

Malay mo isa sa mga makikilala mo ang siya mong magiging katuwang sa buhay.

Dr. Love

ANWAY

CAPRICORN LADY

DEAR CAPRICORN LADY

DR. LOVE

IKINALULUGOD

INDIKASYON

ISA

MAAARING

MAHIRAP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with