^

Dr. Love

Hindi ako magkakaroon ng baby

-
Dear Dr. Love,

Isa pong magandang araw sa inyo.

Ikinalulugod ko pong mapabilang sa libu-libo ninyong mga tagahanga at tagatangkilik ng inyong pahayagang PSN.

Tawagin n’yo na lang po akong si Cherry. Malapit na po akong mag-30 anyos pero hanggang ngayon po ay wala pa akong matatawag na pirmihang boyfriend.

Ang dahilan po, palagi akong kinakalasan ng aking nobyo sa sandaling malaman nila na mayroon akong diprensiya sa matris at malabo ang tsansang magkaanak kung ako’y mag-asawa na.

Ang problema ko pong ito ang siyang parang sumpa sa akin kung kaya’t tanggap ko na rin na magiging matanda akong dalaga.

Masakit po ito sa akin. Ang tanging konsuwelo ko na lang ay ang pagkakaroon ng mga pamangkin na siyang puwedeng ariing anak sakali’t tumanda na akong nagsosolo.

Sa tingon po kaya ninyo, may pag-asa pa akong magkaroon ng asawa kahit na mayoon na akong ganitong problema?

Salamat po sa pagbibigay puwang ninyo sa liham kong ito at more power po sa inyo.

Sincerely,
Cherry


Dear Cherry,


Huwag mong masyadong bigyang problema ang sarili mo sa pangyayaring malabo ang tsansa mong magkaanak.

Moderno ang siyensiya ngayon at kung mayroon kang pera, malaki ang posibilidad na malutas ang problema mo.

Hindi naman lahat ng lalaki ay tulad ng mga nauna mong nobyo na iniwanan ka sa sandaling malamang ikaw ay baog.

Kung totoong mahal ka ng isang lalaki, hindi sagabal ang kawalang kakayahan mong magkaanak para magpakasal kayo.

Puwede namang mag-ampon at puwede ring magpagamot.

Sumangguni ka sa iba pang mga espesyalistang doktor at malay mo naman, mayroon ka pa ring malaking pag-asang makapagdalang-tao.

Huwag kang mawalan ng pag-asa. Samahan mo ng dalangin ang paglutas mo sa iyong problema.

Darating din ang lalaking magpapahalaga sa iyo bilang isang asawa at hindi sa kakayahan mong magbigay sa kanya ng anak.

Dr. Love

AKONG

DEAR CHERRY

DR. LOVE

HUWAG

IKINALULUGOD

ISA

MALAPIT

MASAKIT

MODERNO

PUWEDE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with