^

Dr. Love

Oportunista

-
Dear Dr. Love,

Isa pong mapagpalang araw sa inyo at sa iba pa ninyong mga kasamahan sa pasulatan. Isa po akong masugid na mambabasa ng inyong pahayagan at ng inyong column. At sana ay huwag kayong magsawa sa pagtulong sa aming mga may problema.

Kaya heto ako at nakikiusap na sana ay matulungan ninyo ako sa aking problema.

Nagkaroon po ako ng boyfriend noong ako ay nasa second year high school pa lamang. Tumagal po ang relasyong ito ng dalawang taon. Masaya kami noon lalo na nang nasa probinsiya pa ako.

Ngayon ay nandito na ako sa Maynila at nagtatrabaho. Pero bago ako umalis ay may nangyari sa amin at hindi ito alam ng mga parents ko.

Dr. Love, hindi ko matanggap ang sinabi niya na hindi na raw ako virgin. Wala namang nakagalaw sa akin na iba kundi siya lang. Naguguluhan po ako.

Mahal na mahal ko po siya. Siya ang first love ko. Pero hindi ko alam kung mahal niya ako. Sinulatan ko siya ng tatlong beses pero hindi siya sumagot.

Ano po ang aking gagawin? Kami kaya ang magkakatuluyan?

Hanggang dito na lang po at sana ay sagutin ninyo ang aking mga katanungan. Sumasainyo,

Aries Girl


Dear Aries Girl,


Ang lalaking iyan, sa palagay ko, ay isa lang sa maraming oportunista na ibig makaisa sa mga kababaihan. Medyo nakalulungkot lang at ikaw ang nabiktima niya.

Ipagpalagay nating hindi nga siya ang nakauna sa iyo. Hindi dahilan iyan upang iwanan ka niya na parang maruming basahan. Ang tunay na pag-ibig ay hindi tumitingin sa virginity.

Kalimutan mo na siya at sana’y nakapulot ka ng gintong aral sa mapait mong karanasan.

Diyos na ang bahalang gumanti para sa iyo.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

ANO

ARIES GIRL

DEAR ARIES GIRL

DIYOS

DR. LOVE

ISA

PERO

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with