Mayroon akong pananagutan
April 29, 2004 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Isa pong magandang araw sa inyo at sa mga kasamahan ninyo sa PSN.
Tunay pong hindi kumpleto ang aking araw kung hindi ko nababasa ang paborito kong column, ang Dr. Love.
Kaya naman po, heto ako ngayon at may liham sa inyo para idulog ko ang aking problema sa pag-ibig.
Mayroon po akong napupusuang babae sa ngayon. Pero hindi ko po siya magawang ligawan dahil sa kasalukuyang kalagayan ko sa buhay. Mayroon na po akong live-in partner (hindi nga lang kasal) at mayroon na kaming isang anak.
Hindi ko niligawan si Lydia, ang live-in partner ko, pero bunga ng hindi maiiwasang pangyayari, natukso kami kapwa at nagkaroon ng bunga ang aming ginawang pagtatalik.
Nagsama kami nang isilang na niya ang aming baby. Minahal ko na rin siya lalo na ang aming anak.
Ang hindi ko lang maunawaan ay kung bakit naakit pa ako ng babaeng sinasabi ko sa inyo. Hindi ko siya maiwaksi sa aking isip.
Alam kong mayroon na akong pananagutan at noon ay binalak ko na talagang pakasalan si Lydia para mabigyan ng pangalan ang aming anak.
Pero ngayon ay nagdadalawang-isip na ako uli nang makilala ko ang babaeng nakaakit ngayon ng aking pansin.
Payuhan mo po ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Noli
Dear Noli,
Huwag mo nang guluhin pa ang buhay mo at ituloy mo na ang nasimulan mong pagkatawan bilang asawa sa iyong live-in partner at bilang ama sa iyong anak.
Ang pagkakagusto mo ngayon sa isang babae ay maaaring bunsod lang ng pangyayaring gusto mo ang isang bagong hamon sa iyong pagkalalaki. Wika mo, hindi mo niligawan ang iyong kabiyak sa ngayon. Pero walang dudang minahal mo na rin siya dahil pinanagutan mo ang naging resulta ng inyong kapusukan.
Hindi ka rin magiging makatarungan sa babaeng umakit ng iyong pansin kung ipagpapatuloy mo ang balak mong panliligaw kung hindi rin lang mabubuo ang atensiyon mo sa kanya dahil mayroon kang anak sa unang babaeng nagtiwala sa iyo at marahil ay umibig nang tapat kahit wala kang pangakong kasal.
Ituwid mo na ang buhay mo at huwag ka ng humanap ng bato na ipupukpok mo sa iyong ulo
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am