^

Dr. Love

Ayoko nang umibig muli

-
Dear Dr. Love,

Good day to you and my warmest regards!

Ako po ay lumiham sa inyo para maipaabot ko ang mataos kong pagbati sa magandang naitutulong ng inyong column dahil kinapupulutan po ito ng magagandang aral lalo na ng mga may problema sa puso.

Tulad ko pong may hindi magandang karanasan sa pag-ibig, ang mga payo ninyo ay sinusubaybayan ko para hindi na muling masaktan.

Sa ngayon po, masasabi kong ayaw ko nang umibig muli dahil dalawang ulit na akong nasawi. Dalawang lalaki ang nanloko sa akin. Ang isa ay may asawa na pala at yung pangalawa naman ay naghahanap lang pala ng palabigasan.

Sobra kasi akong mabait sa aking mga nagiging boyfriend at kahit mga personal nilang problema ay nagkukusa akong makatulong lalo na sa pera. Ang hindi ko alam, ang pakay lang pala nila ay ang mapapakinabang nila sa akin.

Huli na nang matuklasan ko ang masama nilang bisyo. Ang una kong boyfriend na may asawa ay ako pala ang tinutukoy na "sideline" sa kanyang pamilya kaya may dagdag siyang kita. Ang ikalawa naman ay ako ang hinihingan ng malaking bahagi ng kanyang panluho.

Masakit malaman ang katotohanan na hindi pala ako ang gusto nila kundi ang nakukuha nila sa akin. Mabilis ko naman silang nadispatsa pero dalang-dala na ako.

Sa ngayon po ay sinisikap ko na lang ipako ang pansin sa aking negosyo at hindi na pinapansin ang mga lalaking nagsasabing gusto raw nila ako.

Tama bang madala ako sa pag-ibig?

Sumasainyo,

Juliet


Dear Juliet,


Maaaring sa ngayon ay hindi pa bahaw ang sugat na nilikha ng pagkasiphayo mo sa dalawang lalaking minahal. Subali’t hindi naman pare-pareho ang mga lalaki.

Maaaring naging bulag ka noong una kaya mistula kang "sugar mommy" ng mga dati mong nobyo.

Hindi talaga magandang magnobyo pa lang kayo ay ginagamit mo na agad ang sariling pera para mabigyan ng luho ang nobyo.

Ang salapi ay hindi magandang basehan ng pagmamahal.

Makakatagpo ka sa kalaunan ng isang lalaking tunay na magmamahal sa iyo, matutuhan mo lang ang tamang paraan sa pagkilatis ng lalaking dapat mahalin at pagtiwalaan.

Antimano, sa una pa lang dapat na tingnan mo muna ang katauhan ng mga nanliligaw sa iyo. Alamin mo ang kanilang background nang hindi ka magsisi uli.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

ALAMIN

ANTIMANO

DALAWANG

DEAR JULIET

DR. LOVE

HULI

MAAARING

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with