^

Dr. Love

From Italy, without love

-
Dear Dr. Love,

Kumusta ka na? Sana ay okey kayong lahat diyan. Madalas akong nagbabasa ng column mo sa pamamagitan ng internet. Araw-araw, bago ako magsimulang magtrabaho, ikaw muna ang binabasa ko.

Kaya heto, naengganyo akong sumulat sa iyo at sana ay matulungan mo ako. I’m Roberto Tipan, regular worker dito sa Milano, Italy. Nais ko sanang magkaroon ng mga kaibigan at who knows, baka eventually ay maging asawa ko.

Prangka ako, 31 years-old. May girlfriend ako dati na naiwan diyan sa Pilipinas. Hindi kasi legal ang pagkakapunta ko dito sa Italy. Hindi siya nakatiis hanggang sa mag-asawa na siya. It happened eight years ago.

Single pa rin ako kasi natuon ang aking pansin sa aking trabaho at tila nakalimutan ko na ang sarili kong kaligayahan. Dito sa Milano ay madali ang babae pero ayoko. Hindi naman ako kagandahang lalaki pero marami ang nagkakagusto sa akin.

Dr. Love, please. Baka sa pamamagitan ng column mo ay makatagpo ako ng aking hinahanap na kapareha. Ipinapangako ko na hindi siya magsisisi. Salamat sa pagkakalathala mo sa sulat ko.

Lubos na umaasa,

Roberto Tipan

Via Montenapoleone, 27/E

20121 Milano,

Italy

Text: (0039) 03398860960 or (0347) 77219453


Dear Roberto,


Nakasisiyang malaman na kahit sa ibang bansa ay nakakapaglingkod ako sa mga kababayan natin.

Inilalathala ko ang buo mong pangalan at address at umaasa ako na sa mga magdadagsaang sulat sa iyo’y matatagpuan mo ang iyong mamahalin habambuhay.

God bless you and to all our kababayans out there in Italy.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

ARAW

DEAR ROBERTO

DITO

DR. LOVE

INILALATHALA

IPINAPANGAKO

MILANO

ROBERTO TIPAN

VIA MONTENAPOLEONE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with