^

Dr. Love

Mixed emotions

-
Dear Dr. Love,

First and foremost, I want to greet you a pleasant day. First time ko po na sumulat sa inyong column. Isa po ako sa masusugid ninyong tagasubaybay.

Sumulat po ako dahil may problema po ako sa aking sarili dahil po sa boyfriend ko.

Tawagin na lamang ninyo akong Jocelyn, 22 years-old. Ang aking boyfriend ay si Donato, 21 years-old at high school graduate.

Dr. Love, bakit po ganun? Sa kabila ng lahat ng ginawa ko sa kanya ay hindi pa rin niya ako iniiwan. Nagkaroon po kami ng matinding tampuhan dahil sa isa ko pong kaibigan na pinagkatiwalaan ko. Pero siniraan po niya ang bf ko sa akin at naniwala po. Noong una po ay wala po akong maramdaman na pagmamahal sa kanya. Mas sinunod ko pa po ang aking kaibigan hanggang sa hindi na niya makayanan at nag-decide siya na makipaghiwalay sa akin.

Noong una po ay hindi ko matanggap dahil mahal ko po ang bf ko. Pero siguro ay napagod na rin ang puso niya sa akin. Sinabi ko po na magpapakamatay ako kapag nawala siya. Natakot po siya kaya binawi niya ang kanyang sinabi at sabi niya na nabigla raw siya. Humingi siya ng sorry sa akin at tinanggap ko ang sorry niya dahil takot akong iwan ako. Madalas po kaming nagkakatampuhan at ako palagi ang nagsisimula. Maliit na bagay ay pinalalaki ko. Mataas po ang pride niya kaya gumaganti rin ako. Sabi ko sa kanya kung anong kaya mong gawin ay gagawin ko rin.

Selosa po akong tao pero maalalahanin dahil yun po ang pagmamahal na kaya kong ibigay sa kanya. Hindi po siya guwapo pero may itsura. Isang taon at anim na buwan na po kami at sa kabila ng lahat ay kami pa rin. Lahat ng pagsubok ay nalagpasan namin pero bakit ganun ang nararamdaman ko? Kahit sinusuyo niya ako at ginagawa niya ang lahat ay hindi ko pa rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ayokong maniwala sa kanya na mahal niya ako. Bakit hindi ko maialis sa aking isipan na darating yung time na maghihiwalay din kami dahil hindi kami magkasundo?

Ano po ba ang dapat kong gawin para mabuo yung tiwala ko sa kanya at maramdaman ko yung pagmamahal na hinahanap ko? Bakit takot akong mawala siya sa akin?

Always

Jocelyn


Dear Jocelyn,


Kung wala kang tiwala sa bf mo at lagi kang nasasaktan, bakit nagtitiyaga ka sa kanya? Dapat ka nang magdesisyon at huwag mong sabihing ayaw mo siyang mawala sa iyo sa kabila ng lahat. You are suffering from mixed emotions at hindi ka magtatamo ng peace of mind hangga’t nananatili ang ganyang relasyon.

Magdesisyon ka na, Josie.

Dr. Love

AKO

BAKIT

DAHIL

DEAR JOCELYN

DR. LOVE

JOCELYN

KANYA

NIYA

NOONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with