Nagtaksil ka kaya...
March 19, 2004 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Hi! Isa pong mapagpalang araw sa inyo at mga kasamahan ninyo sa PSN.
Tawagin mo na lang po akong Beth, 20 taon, at nasa huling taon sa kolehiyo.
Sana po, maligayang-maligaya ako sa nalalapit kong pagtatapos sa kursong kinukuha ko sa kolehiyo. Dapat sana, kinasasabikan ko rin ang sanay katuparan ng usapan namin ng boyfriend ko na pakakasal na kami pagkatapos ko ng pag-aaral.
Pero nagkasira kami ng kasintahan ko. Kahit boyfriend ko na siya sa loob ng tatlong taon, kinalasan ko siya dahil huling-huli ko siya sa kanyang kataksilan.
Humihirit pa sana si Ben. Gusto na naman akong lokohin. Pero ayaw ko na siyang paniwalaan.
Hindi na naman siya nagpilit pa. Pinangatawanan na ang pakikipagmabutihan sa girlfriend niya na ipinalit sa akin. Masakit pero ayaw ko na namang pauto pa. Ilang ulit na ba niya akong nauto? Ang akala niya, porke mabait ako, puwede na ang paporma-porma niya at kawalan ng pagpapahalaga sa pangako.
Ang dalangin ko lang po, Dr. Love, ay makatagpo ako ng lalaking mamahalin ako nang tapat.
Masakit pa ang damdamin ko sa nangyari pero, ang konsolasyon ko lang, natupad ko ang pangako ko sa aking mga magulang na tatapusin ko ang aking napiling karera.
Masayang-masaya ang aking mga magulang. Hindi ko sila binigo sa kanilang pangarap.
Marahil, matatagalan pa bago ako muling magtiwala sa isang lalaki. Siguro, kung makakatagpo ako ng tunay na magmamahal sa akin.
Hintay ko po ang kasagutan ninyo. Beth
Dear Beth,
Natutuwa ako at hindi ka nagloko sa iyong pag-aaral sa kabila ng pagkakasira ninyo ng nobyo mo.
Huwag mong ganap na ikasama ng loob ang hindi ninyo pagkakatuluyan ng dati mong kasintahan.
Siguro, talagang ginusto ng pagkakataon at kapalaran mo na ang hindi kayo magkatuluyan dahil mayroong higit na magandang suwerteng naghihintay sa inyo.
Samahan mo ng sipag ang pananalangin para lagi kang suwertihin sa lahat mong mithiin sa buhay.
Good luck!
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended