Mapait ang hinog sa pilit
March 10, 2004 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Ako po ay matagal na ninyong tagasubaybay pero ngayon lang ako nagkalakas ng loob na sumulat sa inyo.
Tawagin na lamang ninyo akong Alex, 21 years-old ng Quezon City. May girlfriend po ako na tawagin na lamang nating Ms. Scorpio, 15 years-old.
Sa umpisa pa lamang ay lagi niyang sinasabi sa akin na crush niya ako. Second year high school pa lamang siya. Puwede ba kaming magkatuluyan habang siya ay nag-aaral pa?
Kasi po ay parang malabo na maging kami dahil medyo matanda ako sa kanya. Pero mahal po namin ang isat isa. Lagi kaming nagkikita at nag-uusap.
Tama ba na umibig ako sa kanya nang lubos? Lagi siyang sumusulat sa akin at lagi niya akong tinatawagan sa bahay. Kaya ako nagkagusto sa kanya ay dahil talagang crush daw niya ako at mabait naman po siya.
Totoo po ba na mahal niya ako at tama ba na umibig ako sa kanya? Hindi kaya siya magbago sa akin pagdating ng panahon.
Sana po ay mabigyan ninyo ako ng payo. Marami pong salamat.
Respectfully yours,
Alex
Dear Alex,
Napakabata pa ng girlfriend mo at sa edad na 15, posibleng ang nadarama niya para sa iyo ay "crush" lang tulad ng kanyang sinasabi.
Panahon lang ang makapagsasabi kung kayo ang magkakatuluyan. Depende iyan kung wala sa inyo ang magbabago ng damdamin.
Kaya ang payo ko, maghintay ka hanggang sa mahinog ang bunga. May kasabihang ang pinahinog sa pilit ay mapait.
Huwag mo munang isipin ngayon na magkatuluyan na kayo dahil kung manlamig siyang biglay lalong magiging masakit para sa iyo. Isa pa, sa ilalim ng batas, hindi pa siya puwedeng magpakasal sa ganyang edad.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended