^

Dr. Love

Hindi na ako luluha

-
Dear Dr. Love,

Isa po ako sa libu-libo ninyong mambabasa at tagahanga ng inyong column.

Lumiham po ako para ipaabot ang aking pasasalamat sa personal ninyong liham na ipinadala sa akin para malutas ang aking problema sa puso.

Tunay na makatotohanan po ang mga inilahad ninyong solusyon sa problema ko sa pag-ibig at ngayon nga, nalimutan ko na ang sugat ng pusong inalagaan ko ng ilang taon. Ngayon, hindi na ako lumuluha.

Para din pong nagdilang-anghel kayo sa pagsasabing kung panunumbalikin ko lang sa normal ang takbo ng aking buhay, may darating na binatang mag-aalay sa akin ng tunay na pag-ibig.

Sa ngayon po ay nalalapit na ang aming pagpapakasal at sana ay makadalo kayo sa aming wedding.

Isang malaking puwang sa aking diary at photograph album ang ilalaan ko sa liham na ipinadala ninyo sa akin may isang taon na ang nakalilipas.

Sinunod kong lahat ng payo ninyo kaya ngayon, maligaya na ako sa buhay. Hindi ko po kayo malilimutan at gayundin si Ric ay nagpapahatid din sa inyo ng pasasalamat.

Lovingly,
Anne


Dear Anne,


Nalulugod ang pitak na ito kung kami ay nakakatulong sa mga lumiliham sa amin. Kayong aming mga mambabasa at tagatangkilik ang susi sa patuloy na tagumpay ng aming pahayagan.

Makakaasa kang idadalangin ko ang patuloy mong kaligayahan kasama ang mahal mo sa buhay.

Dr. Love

vuukle comment

DEAR ANNE

DR. LOVE

ISA

ISANG

KAYONG

LUMIHAM

MAKAKAASA

NALULUGOD

NGAYON

RIC

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with