Nais ipaampon ang ipinagbubuntis
February 27, 2004 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Una sa lahat, kumusta po kayo at sana ay nasa mabuti kayong kalagayan. Isa po akong masugid na mambabasa ng inyong column.
Sumulat po ako sa inyo para humingi ng tulong sa napakalaki kong problema sa ngayon. Buntis po ako at ayaw itong panagutan ng nakabuntis sa akin. Hindi pa raw siya handa sa buhay may asawa kaya nakipag-break po siya sa akin nang malaman niya na buntis ako.
Kinasusuklaman ko po siya ngayon. Kaya po ako sumulat ay para humingi ng payo. Gusto ko po kasing ipaampon ang baby ko dahil wala po akong trabaho. Ayaw po kasi akong tanggapin sa kalagayan ko.
Ang cell number ko ay 0918-3229480. Sa mga gustong umampon sa baby ko, tawagan lang po ninyo ako.
Sana ay matulungan ninyo ako sa problema ko. Salamat and God bless. Gumagalang,
Aquarius Girl
Dear Aquarius Girl,
Nadapa ka na minsan, sanay huwag nang maulit pa at nakapulot ka na ng gintong aral sa masaklap mong karanasan.
Maganda ang desisyon mong ipaampon ang inyong anak kaya inilathala ko ang iyong liham. Pero ipinapayo ko rin na sumangguni ka sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang makatiyak ka na mapupunta sa mabuting kamay ang iyong magiging anak.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended