Bumabalik ang nakalipas
February 24, 2004 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Bago po ang lahat, nais kong bumati sa inyo ng isang magandang araw gayundin po sa lahat ninyong mga kasamahan sa PSN.
Itago na lang po ninyo ako sa pangalang Lalaine, 17 taong-gulang.
Gusto ko po sanang humingi ng inyong mahalagang payo sa dati kong boyfriend na gustong makipagbalikan sa akin.
Naging boyfriend ko po siya noong 15 taong-gulang pa lang ako at siya naman ay 17 taong-gulang.
Siya po ay malambing, maalalahanin at dahil sa mga katangian niyang ito ay minahal ko siya noon.
Nakipagkalas po ako sa kanya matapos malaman na bukod pa pala sa akin, girlfriend din niya ang isa kong dating kaklase.
Masakit sa akin ang pakikipagkalas sa kanya noon dahil siya ay first love ko. Hindi ko na dininig noon ang tangka niyang pagpapaliwanag.
Mula noon, hindi na kami nagkita bagaman palaging laman siya ng aking isipan.
Hanggang sa isang araw, muli kaming nagkasama sa isang party at hindi ko alam ang gagawin ko. Ang nararamdaman ko, gusto ko pa rin siya kahit na hindi siya naging tapat sa akin.
Labimpitong taon na ako ngayon at siya naman ay 19 na at sa loob ng dalawang taong nakalipas, alam ko kung mayroong naganap na pagbabago sa aming dalawa. Ito ay ang pagkakaroon ng mas matured na kaisipan namin kapwa.
Sinulatan ko siya pagkaraan ng party pero hindi po siya sumagot sa akin. Ang naramdaman ko, mahal na mahal ko pa rin siya. Ano po ba ang dapat kong gawin?
Hintay ko po ang inyong kasagutan sa problema kong ito.
Lalaine
Dear Lalaine,
Maaaring nasaktan ang dati mong boyfriend sa ginawa mong pakikipagkalas sa kanya noon kayat minabuti na niyang kalimutan ka.
Maaari rin namang naghihintay pa siya ng mga susunod na pangyayari o hakbang na gagawin mo.
Pero kung talagang may pagtingin pa siya sa iyo, siya at hindi ikaw ang unang gagawa ng panimulang hakbang para bumalik ang maganda ninyong pagtitinginan.
Subukan mo uling makipagkomunikasyon sa kanya. Kung wala pang mangyayari, makabubuting kalimutan mo na rin siya.
Maaaring may iba na siyang girlfriend sa ngayon at hindi pa siya puwedeng makipagmabutihan sa iba tulad ng pangyayaring naganap sa inyong dalawa noon.
Bata ka pa naman, marami pang ibang binatang magkakagusto sa iyo. Huwag kang padalus-dalos ng hakbang na maaari mong iluha uli.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended