Purihin at sambahin ang Panginoong Jesu-Cristo: 3 taon na tayo sa ministeryo
February 9, 2004 | 12:00am
Magtatatlong taon na tayo sa ministeryong ito sa Abril 1, 2004. Itoy nagsimula sa The 700 Club Asia ng Christian Broadcasting Network (CBN) noong Marso 2000 nang ako ay empleyado pa sa kompanyang ito.
Nang mawala ang aming marketing department dahil malubhang naapektuhan ang pananalapi ng mother company (CBN) nito sa Amerika matapos atakihin ang World Trade Center at Pentagon ng mga terorista noong Setyembre 11, 2001, inilipat ang ministeryong ito sa liderato ng Christ, The Living Stone Fellowship (CLSF), Mandaluyong City kung saan akoy miyembro nito.
Hindi lingid sa inyong kaalaman na maraming tao ang nakatanggap ng pagpapala mula sa Panginoong Jesu-Cristo nang magsimula ang kolum kong ito. Noong una, 40 tawag bawat araw ang natatanggap sa isang linya ng ating telepono. Malamang na mas marami pa ang tumatawag pero dahil sa kakulangan ng telepono, marami ang hindi pa natin mapaglingkuran at nararating ang pangitain na inilagay ng Diyos sa akin.
Ginawaan natin ng paraan para maabot ang mga masusugid na sumusubaybay at tumatangkilik sa kolum na ito sa pagbubukas ng ibat ibang centers ng CLSF pero hindi para rin sila (callers) ma-accommodate lahat.
Sa taong ito, napag-usapan at napagpasyahan ng liderato ng Tagumpay Sa Buhay CLSF na gagawing centralized ang opisina ng Tagumpay Sa Buhay at magbubukas ng maraming linya ng telepono, kumuha ng maraming counselors (iti-train sila) para matutukan ang mga callers, magkakaroon ng computers, fax machine, printer at iba pang mga kagamitan para maging mabisa ang paglilingkod namin sa inyo.
Noong mga nakaraang taon, hindi kami umapela sa inyo ng mga tulong o donasyon dahil libre naman ang pagtugon ng Panginoong Jesu-Cristo sa inyong mga kahilingan. Pero ngayong nakita namin na kung ang lahat ng ministeryo ay walang suporta na nanggagaling sa mga taong namiministeryuhan ng Panginoong Jesu-Cristo, hindi ito lumalaki at nagtatagumpay. Kung hinipo kayo ng Diyos sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo, inaanyayahan namin kayo na makipag-partner sa gawaing ito para maisulong at lumawak pa ito. Ang ating pangitain ay hindi lamang maisulat ang kolum na ito sa pahayagang ito kundi pati sa iba pang mga pahayagan para maging araw-araw ang labas nito hindi lamang tuwing Lunes. Darating ang panahon na pati radio at tv ay gagamitin ng Diyos para lamang abutin Niya ang mga taong ito sa pamamagitan natin.
Kung nangusap at hinipo kayo ng Diyos at para maging partner kayo ng ministeryong ito, tumawag lamang o sa 253-8301 at hanapin si Peter Reyes o sa 656-7998 at hanapin si Gil Palero (gabi lang siya makakausap) o sa akin (Danny Junco), 655-6123, para malaman ninyo kung paano maipadala ang inyong mga suporta sa gawaing ito. Maraming-maraming salamat po sa inyong pagtugon at kalugdan nawa kayo ng Diyos.
Makakatanggap din kayo ng sulat mula sa Tagumpay Sa Buhay at mga babasahin para lalo ninyong mauunawaan ang Biblia, lubusang ninyong makilala ang Panginoong Jesu-Cristo, lumago kayo bilang mga Kristiyano at mamuhay ayon sa kalooban ng Diyos.
(Sa mga nais humingi ng payo, panalangin, pagpapala at iba pa, tumawag lamang sa mga telepono ng CLSF: U-belt, 733-1087; Pandacan, 533-5791/563-2809; Tondo, 251-8243/252-6649; Malabon, 2738256/270-3836; Q.C.,724-0676; Paranaque, 821-5335; Cainta, 656-7998 at Mandaluyong, 533-5171.)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended