‘Childish’ si Alissa

Dear Dr. Love,

A pleasant day to you. This is my first time to write to you.

I’m Alissa, 15 years-old at nasa third year high school. Sumulat po ako dahil mayroon akong malaking problema tungkol sa aking crush.

Tawagin na lamang po natin siyang Mr. JM. Noong una ay close po siya sa akin dahil sa "pag-dare" ng aking mga bakada. "Babes" po ang tawag niya sa akin pero barkada lang po talaga kami.

Pero dumating ang araw na nagkaroon ako ng pagtingin sa kanya. Sinabi ng isang barkada sa kanya na may gusto ako sa kanya (JM) at okey lang daw. Isa namang barkada ang nagsabi sa akin na may gusto raw sa akin si Mr. JM pero childish daw ako.

Ano ang dapat kong gawin, Dr. Love, para maipagtapat niya sa akin ang feelings niya.

Hanggang dito na lang at sana ay matulungan mo ako. Alissa


Dear Alissa,


Alam mo na ang ayaw niya sa iyo. "Childish" ka raw. Siguro, unahin mong alisin ang pagiging "childish" mo kung ang nais mo’y mahikayat na manligaw sa iyo ang crush mo.

Sabagay, sa edad mong 15-anyos, talagang bata ka pa para sa isang seryosong relasyon. Mabuti siguro’y makuntento ka munang siya’y kaibigan mo. Kung minsan, ang isang magandang relasyon ay nagsisimula sa magandang pagkakaibigan.

Maging mabuti kang kaibigan sa kanya and act more naturally at baka sakaling mapansin ka niya.

Dr. Love

Show comments