Nasa Katipunan ako ng mga oras na yaon, umiiyak na naglalakad. Tumawag ako sa Panginoong Hesus at humingi ng saklolo na akoy bigyan Niya ng trabaho. Habang ako ay nananalangin, tumawag ang kompanya sa bahay ng aking mga magulang sa Montalban. Dahil wala ako, sinabihan na lamang ang Nanay ko dahil siya ang nakasagot sa telepono na mag-report ako bukas ng umaga sa kompanya para mag-umpisa ng trabaho sa Valenzuela.
Nang umuwi ako sa bahay namin, ito agad ang ibinungad ng Nanay. Nagalak ako sa ibinalita ng aking ina dahil matutustusan ko na ang aking dalawang anak at nanlalamig na asawa. Sa kasalukuyan, siya at ang dalawa kong mga anak ay nakatira sa aking mga biyenan sa Cainta.
Binigyan ako ng pag-asa ng Panginoong Hesus. Sa kabila ng maraming problema at para bagang wala ng kabuluhan ang buhay ay bigla na lamang akong nabuhayan ng loob. Alam ko na lulutasin ng Panginoong Hesu Kristo ang suliranin ko hinggil sa aking asawa. Totoo nga na si Hesu Kristo ay tutugon ng panalangin.
Tinanggap ko si Hesu Kristo bilang sarili kong Tagapagligtas at Panginoon sa pangunguna ng isang CLSF counselor. Salamat na ginamit siya ng Panginoong Hesus para magkaroon ako ng ugnayan sa Kanya. Purihin ang Panginoong Hesus.
(Sa mga nais humingi ng payo, panalangin, pagpapala at iba pa, tumawag lamang sa mga telepono ng CLSF: U-belt, 733-1087; Pandacan, 533-5791/563-2809; Tondo, 251-8243/252-6649; Malabon, 273-8256/270-3836; Q.C., 724-0676; Parañaque, 821-5335; Cainta, 656-7998 at Mandaluyong, 533-5171).