^

Dr. Love

Peace of mind

-
Dear Dr. Love,

Good day! I’m an avid fan of PSN, particularly your column. Just call me Ms. Taurus. I’m 38 years-old, working as an Account Analyst in one of the companies here in Manila. I am single and no commitment yet.

Ang problema ko po ay aking ex-boyfriend na sa loob po ng halos 17 taon ay nagtatanim pa rin ng galit sa akin dahil po sa hindi ko pagpayag na magpakasal sa kanya.

Nag-propose po kasi siya ng kasal sa akin pero hindi po ako pumayag dahil nag-aaral pa ako noon. I’m only 21 years-old then at naging boyfriend ko ko po siya during my high school days. Naghiwalay po kami nang walang malinaw na usapan.

Nag-abroad po siya that time at nakakilala po siya sa Hong Kong ng babae na siya niyang naging common wife dito sa Pilipinas. Tinanggap ko naman po sa sarili ko na siguro ay hindi talaga kami para sa isa’t isa. At dahil magkalugar lang po kami, kapag nagbabakasyon siya from abroad ay nakikita ko po siya pero ramdam ko pa rin po ang galit sa kanyang mga mata kapag tinitingnan ko siya.

Marami na pong beses na sumagi sa isip ko na dapat ay magkausap kami nang masinsinan pero wala po talagang pagkakataon. Nalulungkot lang po kasi ako na sa edad naming ito ay mayroon pa ring mga damdamin na di- mapakawalan-galit sa parte ng aking ex-boyfriend at patuloy na pagpapahalaga naman sa kanya sa parte ko. Gusto ko lang naman ay magkaroon ng peace of mind.

Tulungan n’yo po ako kung ano ang dapat kong gawin.

Gumagalang,

Ms. Taurus


Dear Ms. Taurus,


For the last time, makipag-set ka ng appointment sa kanya para makapag-usap kayo nang masinsinan nang malaman mo ang mga nasasaloob niya at malaman din niya ang mga nasasaloob mo.

Kung ayaw niyang makipagkita sa iyo, sumulat ka na lamang sa kanya at sabihin ang lahat ng mga gusto mong sabihin sa kanya.

Pero itigil mo na ang pagpapahalaga sa kanya dahil may asawa na siya. Baka isipin pa niyang naghahabol ka sa kanya. Kung anuman ang nararamdaman mo para sa kanya, sarilinin mo na lamang ito dahil wala na ring mangyayari.

Kalimutan mo na siya. Go find another man. Dr. Love

vuukle comment

ACCOUNT ANALYST

DR. LOVE

GUMAGALANG

HONG KONG

KALIMUTAN

KANYA

MARAMI

MS. TAURUS

NAGHIWALAY

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with