Huwag mamangka sa dalawang ilog
January 2, 2004 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Magandang araw po sa inyo at sa buong staff ng PSN. Isa po ako sa masugid na tagasubaybay ng column ninyo.
First time ko pong sumulat sa inyo at inaasahan ko po na mabibigyan ninyo ako ng payo. Katulad ng iba, itago na lang po ninyo ako sa pangalang Sly, ipinanganak noong August 12, 1984.
May boyfriend po ako. Siya po si Mr. Taurus, 24 years-old. Magkakatuluyan po ba kami? Kasi ay may nangyari na po sa amin. Pero noong nakaraang buwan po ay nagkahiwalay kami kasi naniwala ako sa sinabi ng pinsan niyang babae na may mahal daw siyang iba at kaya lang daw di niya ako mahiwalayan ay dahil mabait daw po ako sa kanya. Siyempre, nasaktan po ako sa sinabi ng pinsan niya kaya nakipagkalas ako sa kanya pero sa text lang po at nagalit po siya sa akin dahil wala daw siyang nagawang kasalanan bakit daw ako makikipagkalas.
Pagkaraan ng isang buwan, nag-text siya sa akin. Sabi niya ay miss na raw niya ako at magkita daw kami. Pumayag naman ako dahil mahal ko rin po siya at gusto ko pong marinig ang paliwanag niya. Pero hindi po dito nagtapos ang lahat kasi nagkabalikan kami. Sabi niya hindi raw totoo ang lahat at dahil na rin sa mahal namin ang isat isa kaya kami nagkabalikan.
Ang problema ko po, nang magkabalikan kami ng dati kong boyfriend ay may bf na po akong iba at mahal ko na rin po ito at alam kong mahal din niya ako. Ayaw ko pong masaktan ang bago kong bf. Ano po ang dapat kong gawin? Sino po ba ang makakatuluyan ko sa dalawa? Kung wala sa kanilang dalawa, may lalaki pa po kayang seseryoso sa akin?
Dr. Love, sana matulungan at mapayuhan mo po ako. Salamat po,
Sly
Dear Syl,
Bakit ibang tao ang tinatanong mo? Puwede lang akong magbigay ng payo pero ikaw ang dapat magpasya kung sino sa dalawa mong boyfriend ang pipiliin mo.
Hindi mabuti ang mamangka sa dalawang ilog. Sa dakong huli, ikaw ang mapapahamak.
Huwag mong ikatuwirang pareho mo silang mahal. Pakasuriin mo ang mabuti nilang katangian at piliin yung nakalalamang. Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended