Peklat ng kahapon
December 30, 2003 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Happy holidays!
Sana po, naging masaya ang inyong Pasko at maging ang inyong Bagong Taon.
Isa po ako sa libu-libo ninyong tagasubaybay at tagatangkilik ng inyong pahayagan. Hangad kong sa taong ito ay lumaganap pa at higit na umunlad ang inyong pahayagan.
Lumiham po ako para isangguni kung ang isang tulad kong may madilim na nakaraan ay puwede pang lumigaya sa pag-ibig. Ang nakaraan ko pong taon ay puno ng luha at pagdaramdam dahil hindi mabura ng pagdaan ng mga araw ang malungkot kong karanasan sa pag-ibig.
Natuto akong umibig sa isang may pananagutan na sa buhay at nagkaroon ng isang bunga ang aming pagmamahalan.
Natapos ang yugto ng hibang kong pag-ibig nang atakihin sa puso ang may edad ko nang lover na naging daan ng pagkaparalisa niya. Wala na akong sustento at balik kahirapan na naman ako.
Naging maaksaya ako sa pananalapi at ang akala ko noon, wala nang katapusan ang aking pagbubuhay marangya.
Hindi na ako uli makatagpo ng isang lalaking tulad ng nabalda kong lover.
Nagsisisi ako. Hindi naman ako makabalik na sa aking pamilyang nakinabang din sa aking pagpapasasa sa karangyaan noon. At dahil wala naman akong natapos na mataas sa pag-aaral, wala akong ibang mababalikan kundi ang dati kong club na pinapasukan.
Ang akala ko, maitutuwid ko ang landas ng buhay na aking tinalikuran. Pero heto ako, balik sa dati at umaasang may magkakamaling maghango sa lusak na nilubugan ko na noon pang araw.
Sa tingin po ba ninyo, may maganda pa akong hinaharap sa kinabukasan?
Pagod na akong umasa pa.
Delina
Dear Delina,
Huwag kang mawalan ng pag-asa sa buhay.
Kung ayaw mo nang bumalik sa nakaraan, bakit hindi ka magbago ng landas na tinatahak?
Kaya nga lang, mahirap talagang magpanimula ng ibang hanapbuhay.
Kahit mahirap ang magtinda o kayay manilbihan sa may kayang pamilya, bakit hindi mo subukan para makaipon ka muna ng puhunan sa ibang negosyo?
Ang mahalaga ay makaahon ka sa dati mong buhay.
May anak ka at iyan ang pagbuhusan mo ng paghahanda sa hinaharap.
Mentras maaga, mas mabuting humanap ka ng ibang malinis at maipagmamalaking trabaho kahit mahirap at maliit muna ang suweldo.
Ang nangangailangan ay hindi namimili ng iniaabot na tulong.
Sana sa taong ito, matagpuan mo na ang hinahanap mong kaligayahan at kapayapaan ng loob.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended