Nagtampo ang bf ko
December 25, 2003 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Holiday greetings to you and all the staff of PSN.
Matagal na po akong tagasubaybay ng inyong column at ikinasisiya kong banggitin sa liham ko na marami kayong natutulungang may problema sa puso. Sana po, patuloy pang magtagumpay ang pitak ninyo.
Isa po akong propesyunal at sa unang pagkakataon, nagkaroon ako ng boyfriend pagkaraan ng matagal ding pagtanggi sa tawag ni kupido.
Hindi naman ako matatawag na sinauna. Ang totoo nga, ang akala ng iba, easy go lucky ako dahil likas akong masayahin sa buhay.
May walong buwan na kaming mag-on ni Frank (di niya tunay na pangalan). Maganda naman ang aming relasyon hanggang sa magkaroon ng guwang ang aming pagkakaunawaan.
Ang dahilan, naunsiyami siya sa inaasam niyang premarital sex. Napaasa kasi siya pero naduwag ako. Kahit na nga sumama na ako sa kanya sa isang motel, wala namang nangyari sa amin dahil hindi nga ako pumayag sa gusto niya.
Hindi naman siya nagpilit kung labag sa kalooban ko ang plano niya. Natakot kasi ako sa maaaring maging bunga ng aming kapusukan kaya nakapagpigil ako at siya man ay gayundin.
Nagkahiwalay kami noon na parang walang anumang sigalot na namamagitan. Pero pagkaraan noon, hindi na niya ako kinibo. Hindi na rin siya naging maalalahanin at masigasig sa aming relasyon.
Nag-sorry naman ko sa kanya at ipinaliwanag ang dahilan ng aking pag-atras sa gusto niyang mangyari. Pero ang damdam ko, tuluyan na siyang lumayo sa akin. Eva
Dear Eva,
Isa ring mapagpalang pagbati sa panahon ng Pasko.
Salamat sa liham mo at gayundin sa pagtangkilik sa aming pahayagan at column.
Huwag mong masyadong problemahin ang naging reaksiyon ng nobyo mo sa pagkaunsiyami ng kanyang plano. Pero hindi rin naman dapat na maging daan ang nabigo niyang pagpaparamdam sa iyo ng kanyang pag-ibig para kalimutan ka niya.
Ipagpatuloy mo ang dati mong trato sa kanya bilang girlfriend. Pero hindi mo dapat na isuko kaagad ang iyong sarili sa panahong gusto niyang panlamigin ang inyong relasyon dahil hindi natuloy ang kanyang plano.
Hayaan mong makapag-isip siya. Kung talagang maganda ang kanyang intensiyon para sa iyo, hindi siya magdaramdam kung hindi mo siya mapagbibigyan.
Lilipas din ang tampo niya sa iyo. Makita mo, babatiin ka niya sa Paskong ito kundi man sa Bagong Taon.
Good luck to you and Happy Holidays! Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 30, 2024 - 12:00am
November 30, 2024 - 12:00am
November 26, 2024 - 12:00am