Laging sawi sa pag-ibig
December 17, 2003 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Magandang araw po sa inyo. Matagal ko na pong gustong sumulat sa inyo pero ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon.
Ako po si Lyn, 19 years-old. Ilang beses na po akong nagmahal at nasaktan. Kapag nagkaka-boyfriend po ako, tumatagal lang ng dalawa hanggang tatlong buwan ang relasyon namin.
Ano po kaya ang mali sa akin at bakit laging ganito? Malas po ba ako sa mga lalaki?
Sa ngayon ay may bago akong manliligaw. Siya si Ryan, 21 years-old. Hindi ko po alam kung seryoso siya sa akin o hindi.
Ang sabi niya ay mahal daw niya ako. Hindi ko pa po siya sinasagot hanggang ngayon at tinatanong niya kung kailan ko po tatanggapin ang pag-ibig niya.
Mahal ko siya at gusto ko na rin siyang sagutin pero parang napipigilan ako dahil takot akong masaktan muli.
Hingi ko po ang inyong mahalagang payo. Lyn
Dear Lyn,
Kapag pumasok ang tao sa isang relasyon, mahalaga ang komunikasyon. Dapat alamin ng magkasintahan ang mga gawi o ugali na hindi nila gusto at gumawa ng kinakailangang adjustment para magtagal ang kanilang relasyon.
Marahil ay hindi mo pa natatagpuan ang lalaking sadyang para sa iyo. Huwag kang mainip at darating din siya sa buhay mo.
At sana, kapag umibig kang muli, huwag mong ibibigay sa lalaki ang sandaang porsiyento ng iyong sarili hanggat hindi kayo naikakasal.
Madalas kasi, umaayaw na ang lalaki kapag natikman na ang buong pagkababae ng kawawang kasintahan. Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended