^

Dr. Love

Pagsubok

-
Dear Dr. Love,

Greetings to all the staff of PSN. Isa po ako sa masusugid ninyong tagasubaybay at first time ko pong sumulat sa inyo.

Mayroon po akong boyfriend. Tawagin na lang natin siyang Ping. Natatakot akong iwanan siya dahil mapapalayo ako sa kanya. Ipagpapatuloy ko kasi ang aking pag-aaral sa probinsiya. Pero kinausap ko na siya nang maayos at pumayag naman siyang ipagpatuloy ko ang aking pag-aaral. Nangako ako sa kanya na babalikan ko siya kapag nakatapos na ako.

Pero hindi ko alam kung tatanggapin pa niya ako pagkalipas ng ilang taon na magkakahiwalay kami. Dr. Love, nagdududa lang ako na baka hindi na niya ako mahalin kung sakaling magkita kaming muli.

Sana ay mabigyan ninyo ako ng tugon sa aking liham. Maraming salamat and more power.

Lubos na gumagalang,

M
s. Cancer

Dear Ms. Cancer,


Ang pag-ibig, kung tunay ay may lakip na tiwala. Kung magkakalayo kayo dahil sa pag-aaral mo, masusubukan ninyo kung tapat kayo sa isa't isa.

Totoong nandiyan ang posibilidad na magbago o makakita ng iba hindi lang sa panig niya kundi maging sa panig mo.

Puwedeng ligawan ka ng iba at maaaring mapaibig ka rin.

Ngunit mas mabuting nilalagay muna sa pagsubok ang pag-ibig para itoy maging matatag sa paglipas ng panahon.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

DR. LOVE

IPAGPAPATULOY

ISA

LUBOS

MARAMING

MAYROON

MS. CANCER

NANGAKO

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with