Hi! Isa pong magandang araw sa iyo at maging sa inyong mga kasamahan.
Nais kong maglahad ng isang karanasan na hanggang ngayon ay naguguluhan ako. Ito po ay ang problema ko sa pag-ibig. May kinagigiliwan akong lalaki na sa tingin koy okey naman siya. Noong una ay magaan ang loob ko sa kanya dahil sa kabaitan at magaling siyang magdala ng lahat ng bagay. Ngunit mayroon siyang isang ugali na hindi nababatid ninuman at siya lang ang nakakaalam noon. Nais ko sana siyang tulungan sapagkat nababakas sa kanyang mukha na mayroon siyang malaking problema. Hindi ko po alam kung tungkol sa kanyang pamilya, girlfriend, o kanyang trabaho. Kahit kaunting problema ay pinalalaki niya. Maging ako ay naaawa kaya ini-encourage ko siya sa pagsasabing habang may buhay, may pag-asa.
Isang araw, nalaman ko na lang na ako raw ang nagbibigay ng pag-asa, kalakasan at sigla buhat nang akoy dumating sa buhay niya. Hindi niya akalaing ako raw ang makapagbabago ng buhay niya sapagkat noon ay mayroon siyang girlfriend na binuhusan niya ng pagmamahal ngunit siya ay nabigo sapagkat nalaman na lamang niya na ang babaeng kanyang mahal ay mayroon na palang pakakasalan.
Siya po ay 36 years old na at ako ay 20 years old lamang. Langit at lupa ang pagitan namin. Ano po ba ang gagawin ko para malapitan ko siya? Papaano ko sasabihin na siya ay mahal ko gayong magkaiba ang katayuan namin sa buhay.
Hanggang dito na lang! God bless you!
Thanks,
Rosalie
Dear Rosalie,
Hindi mainam kailanman sa isang babae na siya ang unang magsasabing "mahal kita" sa lalaki.
Kung siya na ang nagsabi na ikaw ang babaeng nagbigay sa kanya ng pag-asa, palagay koy may kahulugan ang mga salita niya.
Maghintay ka lang at sa tingin koy darating ang panahong magpo-propose siya sa iyo.
Hinggil sa agwat ng inyong edad, walang masama kahit mahigit pa sa sampung taon ang inyong agwat. Ideal nga na malaki ang tanda ng lalaki sa babae dahil sa pagsasamahan, ang lalaki ang pinakanararapat maging pinaka-responsable.
Dr. Love