^

Dr. Love

Takot magmahal muli

-
Dear Dr. Love,

Hello to all the staff of PSN lalo na sa iyo, Dr Love. Isa po ako sa masugid na tagasubaybay ng inyong column na talaga namang nakakabawas ng mga problema dahil sa ibinibigay ninyong mga advice.

May nagkakagusto po sa akin na kapatid ng aking bayaw. Pero wala naman akong feelings sa kanya. Ang kaso ay boto ang mga magulang ko sa kanya.

Nagkaroon po ako ng boyfriend since high school pa ako pero noong December 2000 ay pumanaw siya. Hanggang ngayon ay siya pa rin ang nasa puso ko at natatakot akong umibig muli.

Hindi ko gusto ang ugali ng bayaw ko kaya turn-off din ako sa kapatid niya. Baka kasi ganoon din ang ugali niya.

Ano po ang gagawin ko? Dapat ko ba siyang iwasan na lamang? Cecille


Dear Cecille,


May karapatan kang umibig muli at huwag mong ipagkait iyan sa iyong sarili. Nalulungkot ako sa pagkamatay ng iyong nobyo pero talagang may hangganan ang buhay.

Sa pagpanaw niya, hindi dapat tumigil sa pag-inog ang iyong mundo. Gayundin naman, kung kukuha ka ng bagong boyfriend, tiyakin mong mahal mo ito at hindi yung napipisil ng iyong mga kaanak para sa iyo.

Dr. Love

ANO

DAPAT

DEAR CECILLE

DR LOVE

DR. LOVE

GAYUNDIN

HANGGANG

ISA

NAGKAROON

NALULUNGKOT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with