^

Dr. Love

Nasaan ka, itay?

-
Dear Dr. Love,

Hi! How are you? I hope you are always fine and in good health. Dr. Love, palagi kaming bumibili ng Pilipino Star NGAYON at nakaka-relate ako sa mga column mo lalo na ang tungkol sa love. Siguro ay tapos na ang Father’s Day kapag natanggap mo ang sulat kong ito. Just call me Jaymin. I’m 28 years-old at simula nang ipanganak ako ay hindi ko nakita ang tatay ko. Ang sabi ng Mama ko, buhay pa siya at ang pangalan niya ay Mr. Jun de Castro. Sana sa pamamagitan ng column mong ito ay makita ko ang tatay ko. Imagine, 28 years-old na ako at wala akong nakagisnang ama. Tatlo kaming magkakapatid at ang pangalan ng mama namin ay si Mrs. Evelyn Mariano. Palagi ko nang ipinagdarasal sa ating Panginoon na makita ko na ang aking ama.

Dr. Love, nawa’y matulungan mo ako sa aking problema. Hindi pa man ay nagpapasalamat na ako sa iyo nang marami at sana ay tumagal pa ang column mong ito. Kung sinoman ang nakakakilala sa tatay ko, pakisabi na lang kay Dr. Love dahil ibinigay ko sa kanya ang cell number ko.

Your avid fan,

Jaymin ng Imus, Cavite


Dear Jaymin,


Nararamdaman ko ang matindi mong pananabik sa iyong ama. Nawa’y maging instrumento ang pitak na ito para magkatagpo kayo.

Mas mabuti siguro kung makapagpapadala ka ng kanyang larawan upang mas madali itong mapansin ng sinumang nakakakilala sa kanya. Walang bang naitatabi ang iyong ina? Kung meron, ipadala mo ito rito at ating ilalathala.

Dr. Love

vuukle comment

CAVITE

DEAR JAYMIN

DR. LOVE

JAYMIN

LOVE

MR. JUN

MRS. EVELYN MARIANO

NARARAMDAMAN

NAWA

PILIPINO STAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with