^

Dr. Love

Misis, na-in love sa phone pal

-
Dear Dr. Love,

Natutuwa ako sa inyong column at kay dami niyong nabibigyan ng tamang payo sa mga taong umiibig. May problema rin ako na gusto kong malaman ang inyong payo.

May asawa ako at nasa 50 na ang edad. Natuto akong magmahal sa taong hindi ko pa nakikita. Phone pal ko siya at nagkaroon ako ng relasyon sa pakikipag-usap ko sa kanya. Naguguluhan ako dahil mahal ko rin ang asawa ko at mahal ko rin ang phone pal ko. Maganda ang relasyon ko sa mister ko samantalang sa ka-phone pal ko naman ay naririnig ko sa kanya ang salitang hindi ko naririnig sa aking asawa. Ang mahal niya ako. Kay sarap magmahal at mahalin ng dalawang lalaki. Bakit ganito? Alam kong mali, ngunit ayaw kong mawala ang isa man sa kanila. Mrs. Confused


Dear Mrs. Confused,


Sa gulang mo ngayon, tingin ko’y ikaw na ang dapat nagbibigay ng payo at di pinagpapayuhan. Your’s is the age of wisdom. Isang taong pwedeng dulugan ng mga naguguluhan ang isip. Pero nauunawaan kita. Tao lamang tayo.

Iyan ang dahilan kung bakit kailangan natin ang patnubay ng Diyos, dahil tao lamang tayo.

Ang dinaranas mo ngayo’y pagsubok lang kung gaano ka katatag. Huwag mong hayaang masira ang maganda mong relasyon sa iyong asawa. Maaaring hindi mo naririnig sa mister mo ang mga salitang "I love you" pero ito’y ipinakikita naman niya sa gawa.

Ano ang mahalaga sa iyo, ang I love you ng isang taong di mo pa nakikita o ang ipinakikitang pagmamahal (bagamat di binibigkas) ng iyong asawa? Mag-isip ka.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

ALAM

ANO

BAKIT

DIYOS

DR. LOVE

HUWAG

ISANG

IYAN

MRS. CONFUSED

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with