Natutong magpatawad
October 28, 2003 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Isa po ako sa marami ninyong tagahanga at mambabasa ng PSN. Sana po, hindi kayo magsawang magbigay ng payo sa lahat na lumiliham sa inyo.
Ang liham ko po ay inaasahan kong makapagbibigay ng inspirasyon sa lahat na katulad kong dumanas ng pagkabigo sa pag-ibig.
Tatlong ulit na akong nabigo sa pag-ibig. Lahat sila ay lumayo sa akin matapos ko silang pagkatiwalaan ng lahat-lahat.
Natuto kong tanggapin ang kabiguang ito at mula noon ay higit kong nilawakan ang aking pang-unawa. Higit kong inilapit ang sarili sa Panginoon. Humingi ng tawad sa aking kahinaan.
Pinatawad ko rin ang mga lalaking nagsamantala sa aking kahinaan. Ang hindi ko lang naunawaan ay ang pangyayaring lahat silang umapi sa akin ay nakarma na.
Hindi ko naman idinalangin ang kanilang kasawian. Dalawa sa kanila ang hiwalay na sa asawa at ang pangatlo ay nagkaroon ng mabigat na karamdaman.
Ang idinadalangin ko lang po ay patawarin na rin ng Panginoon ang mga lalaking ito na umapi sa akin at nanghuthot lang ng kuwarta ko.
Sa ngayon po ay maligaya ako sa aking trabaho at bagaman patuloy pang umiilag sa mga manliligaw, tahimik na ang kalooban ko dahil sa natuto na akong magpatawad.
Sana po, ang mga dumanas ng kabiguan sa buhay ay magkaroon ng tatag sa loob dahil sa kabila ng mga kabiguan, bibihisin din sila ng biyaya sa kalaunan.
Ipagpatuloy pa po ninyo ang serbisyo sa mga nangangailangan ng inyong payo. Idinadalangin ko po ang matuloy ninyong tagumpay. Tess
Dear Tess,
Nagpapasalamat ang pitak na ito sa maganda mong liham at sa inspirasyong nais mong ibahagi sa aming mambabasa.
Talagang ang pagpapatawad ay nakapagbibigay ng katahimikan ng isip at damdamin.
Makakaasa kang habang mayroong mambabasang tulad mo, ipagpapatuloy namin ang pagsisikap na makapagbigay ng payo sa lahat na dumudulog sa pitak na ito.
Stay happy and May God bless you!
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am