Sino ang tatay ko?
October 23, 2003 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Isa po kayong hulog ng langit sa isang tulad kong may problemang pangdamdamin. Sana po, patuloy pang maging matagumpay ang column ninyo at lumaganap ito sa lahat ng sulok ng bansa.
Matagal ko na pong nais na sumulat sa inyo para maihinga ang nilalaman ng puso ko dahil wala akong mapaghingahan ng sama ng loob.
Ang hiling ko lang po sa inyo, huwag ninyong banggitin ang tunay na pangalan ko para maiwasan ang samaan ng loob sa mga miyembro ng pamilya.
Ako po ay 18 taong-gulang. Ang katauhan ko ay matagal nang isang palaisipan sa akin. Mula nang magkaisip ako, ang damdam ko, malayo ang loob sa akin ng mga miyembro ng pamilya ko.
Tanging ang lola ko lang yata ang nakakaunawa sa akin. Ang nakagisnan kong ama ay hindi malapit sa akin. Mas mahal niya ang mga nakababata kong kapatid. Pero ang nakasulat sa aking birth certificate ay siya ang ama ko.
Nagkaroon ako ng hindi pangkaraniwang pag-aalinlangan sa tunay kong pagkatao nang marinig ko sa isang kamag-anak na ang aking ina pala ay nagtrabaho bilang isang hostess noong dalaga pa siya.
Kamukha ko ang aking ina, pero wala ni katiting na feature na nakuha ko sa nakagisnan kong ama.
Minsan, itinanong ko sa aking ina kung bakit hindi ko kamukha ang Daddy. Ang sagot niya, mas kamukha ko siya at malakas daw ang kanyang genes. Ang lahat kong kapatid, mas kuha ang mukha sa nakagisnan kong Daddy.
Wala akong mapagtanungan. Maging ang lola ko, ayaw mgsalita. Ito po kaya ay tanda na mayroon silang inililihim sa akin?
Ano po ang dapat kong gawin?
Naiilang po tuloy ako sa sarili ko at parang gusto ko nang humiwalay ng bahay sa pamilya ko.
Tama po ba ang plano kong ito? Paano ko po hahanapin ang tunay kong ama?
Gumagalang,
Chona
Dear Chona,
Mayroong mga pangyayaring ikinukubli sa takot na makaapekto sa minamahal lalo na sa isang anak.
Hindi naman ibig sabihin ito na mananatiling lihim ang ikinukubling ito sa iyo kung mayroon man nga. Maaaring naghihintay lang ng tamang panahon para ipagtapat ito sa iyo.
Kung wala pang sinasabi sa iyo ang ina mo at iba pang miyembro ng pamilya, baka naman walang basehan ang ikinatatakot mo.
Nakarating ka sa edad na 18 na walang tunay na amang nag-aangkin sa iyo. Ibig sabihin, hindi siya interesado sa iyo o kayay walang basehan ang pinangangambahan mo.
Ipagpatuloy mo ang pagiging mabuting anak sa mga magulang mo. Sikapin mong ipagpatuloy ang pag-aaral mo at maaaring kung tunay nga ang kinakabahan mong pangyayari, sa tamang panahon, malalaman mo rin yan.
Huwag mo nang guluhin ang pag-iisip mo. Kung nasa right mood ang tatay at nanay mo, ungkatin mo ang isyung ito at huwag sanang magbabago ang pananaw mo sa buhay kung ang kinatatakutan mong katotohanan ay magkatotoo nga.
Ang dapat mo lang ipagpasalamat ay buhay ka. Pinag-aaral at sinisikap na maitaguyod sa isang magandang bukas ng iyong mga magulang.
Take care at huwag ka nang mag-isip pa na iba ang pagtingin nila sa iyo. Baka naman nasa isip mo ang kabang ito.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended