^

Dr. Love

'Tapat ang Diyos sa pagbibigay Niya sa akin' - Ben

-
Sa aking sariling karanasan, masasabi ko na tapat ang Diyos sa pagbibigay Niya sa akin at sa aking pamilya. Nasubukan ko ito nang ako ay walang-wala sa loob ng isang taon. Kagagaling lang namin sa Thailand dahil doon ako nagtatrabaho. Ako at ang aking pamilya ay umuwi na rito sa ating bansa pagkatapos ng aking kontrata.

Ang trabaho ko kasi ay consultant sa iba’t ibang kompanya sa ibang bansa hinggil sa management, project study at ekonomiya. Nang dumating kami dito sa ating bansa, hindi ako nakapagtrabaho. Naranasan namin ang kumain ng adobong kangkong, talong at iba pang mga gulay. Hindi ko nga alam kung saan kami kukuha ng bigas para aming masasaing.

Dito ko nasubukan ang Diyos. Sa mga oras na wala na kaming pansaing, ako’y nanalangin sa Panginoong Hesus at humingi ng bigas para mayroon kaming makain.

Nagugulat na lamang ako nang matapos kong manalangin ay mayroon nang kumakatok sa pintuan namin at may dala-dalang isang sakong bigas.

Kaibigan ko ang taong ito. Ayon sa kanya, habang siya’y nananalangin, inilagay ako ng Panginoong Hesus sa kanyang isipan at ang aking buong pamilya na nangangailangan ng bigas. Pagkatapos daw niyang manalangin, siya ay bumili ng isang sakong bigas para dalhin niya sa amin.

Walang-wala talaga kami, pero hindi ako nawawalan ng pag-asa. Nababalisa na nga ang aking asawa kung saan kami kukuha ng pera para sa enrollment ng aming dalawang anak sa kanilang pag-aaral. Sa puntong ito, alam ko na sinusubukan lang kami ng Diyos na magtiwala sa Kanya bilang Ama. Natanggal ang mga hindi kanais-nais na mga pag-uugali ko tulad ng masyadong bilib sa sariling kakayahan dahil pakiramdam ko ay magaling ako, matalino at maraming mga kuneksiyon.

Tapos ako sa University of the Philippines. Nakapagtrabaho ako sa malalaking mga kompanya. Sa panahon na yaon, bigla na lamang akong nawalan ng trabaho. Mataimtim ang panalangin ko sa Diyos.

Naglalaro sa aking isipan kung papaano kami makakaahon sa kahirapan kahit alam ko na ipinapangako ng Diyos na hindi Niya kami pababayaan at iiwanan.

Noong Pebrero 17, idinideklara ko ang pagpapalaya ng Diyos sa aking pamilya sa kahirapan. Binuksan Niya ang pintuan ng pagpapala sa amin. Marami akong nakuhang trabaho. Napagtanto ko na kapag nagpapala ang Diyos, tiyak na wala itong patid at palagi itong umaapaw, siksik at liglig.

Ganoon ang Diyos. Ngayon ay alam ko na, na ang Diyos ko ay tapat sa Kanyang mga anak. Purihin ang Panginoong Hesu Kristo!

Ben ng Quezon City




(Sa mga nais humingi ng payo, panalangin, pagpapala at iba pa, tumawag lamang sa mga telepono ng CLSF:U-belt, 733-1087; Pandacan, 533-5791/563-2809; Tondo, 251-8243/252-6649; Malabon, 2738256/270-3863; Q.C., 724-0676; Paranaque, 821-5335; Cainta, 656-7998 at Mandaluyong, 533-5171.)

AKING

AKO

BINUKSAN NIYA

DIYOS

KAMI

NIYA

NOONG PEBRERO

PANGINOONG HESU KRISTO

PANGINOONG HESUS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with