^

Dr. Love

Silahis si mister

-
Dear Dr. Love,

Isa pong mapagpalang araw sa inyo! Bago ko po ilahad ang problema ko, pabayaan po ninyong papurihan ko ang inyong column sa maraming tulong na naibibigay ninyo sa tulad naming may problema sa puso. Of course, pagbati rin sa malaganap ninyong pahayagan.

Alam po ninyo, hindi ko akalain na pagkaraan ng halos 10 taon naming pagsasama ng mister ko, saka ko lang natuklasan na siya pala ay isang silahis.

Mayroon kaming dalawang anak na kapwa babae at ito ang aking problema sakali’t matuklasan nila ang katotohanan tungkol sa kanilang ama.

Noong una ay hindi ko nahahalata ang tunay na kasarian ng aking asawa. Ang akala ko nga ay isa siyang macho hangang sa mapansin ko na parang hindi na siya kasing init sa kama kaysa dati.

Palagi na siyang kasama ng kanyang barkada, nagpupunta pa sa Hongkong at iba pang bakasyunang lokal.

At ang driver niya ay palit-palit na pawang matitikas na kabataang lalaki.

Hindi sinasadya ang pagkakatuklas ko sa katotohanan. Sa opisina pala niya ay ladlad na ang pagiging silahis niya. Hindi kasi ako malimit napupunta sa kanilang opisina dahil ako man ay busy sa trabaho.

Nang kumprontahin ko siya, inamin niya ang kanyang pagiging silahis at hiningi niya ang aking pang-unawa. Pero hindi ko ma-take ang pangyayari.

Ano po ang dapat kong gawin? Dapat ko ba siyang hiwalayan? Hindi naman siya nagkukulang sa mga bagay na pinansiyal sa tahanan.

Hinihingi ko po ang inyong mahalagang payo.

Alice


Dear Alice,


May mga bagay-bagay na itago mo man ay kusang lalabas.

Sa ngayon ay wala pa namang pangyayaring nabanggit ka na nasakripisyo ang kapakanang pampamilya sa kabila ng pagkasilahis ng asawa mo.

Ito sana ang hingin mo sa kanya. Na sana, habang mura pa ang kaisipan ng mga anak ninyo at hindi pa nila matatanggap ang kakaibang kasarian ng kanilang ama, huwag siyang magkukulang sa kanila.

Mayroong mga katotohanang puwedeng ikubli muna habang wala pa sa tamang gulang ang mga anak mo. Maaari mo itong ipagtapat sa kanila kung kaya na nilang matanggap ang katotohanang ito tulad ng pagtanggap mo sa pangyayaring silahis ang mister mo.

Alam ba ito ng pamilya mo at pamilya ng mister mo?

Bakit hindi mo subukang hingin ang tulong ng mga kapatid ng mister mo o kaya ng biyenan mo?

Isa itong maselang isyu at kailangan mo ang lahat na suporta ng pamilya mo.

Dr. Love

ALAM

ANO

BAKIT

DAPAT

DEAR ALICE

DR. LOVE

HINIHINGI

ISA

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with