^

Dr. Love

Young love

-
Dear Dr. Love,

Magandang araw po. Sumulat po ako para humingi ng advise tungkol sa aking crush. Sana po ay mabigyan ninyo ako ng magandang advise.

Itago na lamang ninyo ako sa pangalang Jaslyn, nag-aaral sa Bacoor National High School (Annex). Mayroon po akong crush. Classmate ko po siya pero hindi kami nagpapansinan. Sa lahat ng classmate ko, siya lang ang hindi ko pa nakakausap ni minsan. Minsan po ay nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin. Bago ako matulog ay lagi ko siyang naaalala.

Ano po ba ang gagawin ko para magkausap kami kahit minsan lang? Nahihiya naman po ako sa kanya kung ako ang mauuna at sa tingin ko ay nahihiya rin siya sa akin.

Sobrang tahimik po niya sa room namin pero matalino po siya at saka maraming nagkakagusto sa kanya sa room namin.

Sa tingin po ba ninyo, tama na ako ang maunang makipag-usap sa kanya o hihintayin kong siya ang mauna?

Salamat po.

Jaslyn #14


Dear Jaslyn #14,


I think you’re very young. It’s normal to have a crush but don’t take it too seriously. Tungkol sa crush mo, bayaan mo siyang maunang kumausap sa iyo. Pero kung magkakasalubong kayo, walang masama kung ngingitian mo siya at batiin ng "hi."

Siguro, pagkatapos ng ilan pang buwan ay magkakapalagayang-loob na kayo so that makakapag-usap na kayo nang wala ng hiya-hiya.

Start off with friendship. Only time will tell kung magkakatuluyan kayo in the future.

Dr. Love

AKO

ANO

BACOOR NATIONAL HIGH SCHOOL

DEAR JASLYN

DR. LOVE

ITAGO

JASLYN

MAGANDANG

MAYROON

MINSAN

NAHIHIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with