First love never dies
September 23, 2003 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Warm greetings to you and all the members of PSN staff.
I am one of your avid readers. Napakaganda ninyong magbigay ng payo kayat sa inyo ko po ipinagkatiwala ang pagbibigay ng payo sa suliranin ko.
Nagkaroon ako ng boyfriend noon. Pero ni hindi man lang umabot ng isang taon ang aming relasyon dahil may sagabal sa aming pag-iibigan. Una, hindi sang-ayon sa aming relasyon ang mga magulang namin sa hindi ko malamang dahilan. Ikalawa, naging duwag ako noon na ipaglaban ang pag-ibig na ito.
Nagkalayo kami at pagkaraan ng isang taon, nabalitan ko na lang na napikot si Lando ng isa niyang kaklase na bagaman hindi niya girlfriend ay sumamang maglibang sa isang disco house at hindi na umuwi sa kanilang bahay nang umagahin sa disco.
Masakit sa puso ko ang pangyayaring ito dahil naging mahina rin si Lando. Naisip kong tanggapin na lang ang naging kapalaran naming dalawa.
Matagal bago ako naka-recover sa masakit na karanasang ito sa aking unang pag-ibig. Pinagbuti ko na lang ang aking trabaho at na-promote naman ako.
Minsan, nagkatagpo kami ni Lando sa isang restaurant. Mayroon siyang kasamang kaibigan at nag-iisa naman ako. Nilapitan niya ako at niyayang maupo sa kanilang mesa. Hindi ako tumanggi, for old times sake.
Nang magtungo sa comfort room ang kanyang kaibigan, sinabi nito sa akin na hindi pa niya nalilimutan ang aming kahapon. Naghahanda na daw siyang mangibang-bansa para doon magtrabaho. Hindi raw maligaya ang pagsasama nila ng kanyang asawa.
Tapos ay tumawag pa siya sa aming opisina at nag-iimbita na lumabas kami bago man lang daw siya mag-abroad. Hindi ko tinanggap ang kanyang paanyaya kahit na sinabi niya sa akin na ako pa rin ang mahal niya at handa siyang hiwalayan ang kanyang asawa para ipagpatuloy ang naunsiyami naming pag-iibigan.
Problema ko pong malaki ito dahil alam kong mahal na mahal ko pa siya at hindi ko pa siya nalilimot. Ano po ang mabuti kong gawin?
Naguguluhan,
Marcia
Dear Marcia,
Hindi sapat na dahilan na hindi siya maligaya sa kanyang buhay may-asawa para guluhin pa ang buhay ng dati mong boyfriend.
Higit pang lalaki ang suliranin mo sa buhay sa minsan pang pagkakamali at panghihina ng iyong loob.
Natutuhan mong tanggapin ang nangyari sa inyong dalawa pero ang agawan pa ang isang babaeng naging legal nang asawa ng dati mong boyfriend ay hindi makalulutas sa inyong problema.
Tanggapin mong mayroon pang naghihintay sa iyong mas mabuting kapalaran kung matututuhan mo lang na makita ang katotohanang hindi lang ikaw ang mahina at hindi ipinakipaglaban ang iyong pag-ibig kundi maging si Lando ay mahina rin sa pagharap sa problema.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended