^

Dr. Love

Crush o true love?

-
Dear Dr. Love,

Hello. Sumulat po ako sa inyo dahil gusto kong humingi ng tulong sa inyo tungkol sa problema ko sa crush ko.

Mahal na mahal ko po siya. Hindi ko po alam kung paano siya maaalis sa isipan at puso ko. Marami naman pong nanliligaw sa akin pero ni isa sa kanila ay wala akong magustuhan. Siya lang po talaga ang mahal ko.

Ang sabi niya sa akin ay mahal din niya ako pero hindi ko alam kung totoo ito. Wala naman po siyang girlfriend. Minsan po ay niyayaya niya akong mag-date kaya lang ay hindi ako pumapayag.

Pinakikialaman niya rin ang aking pananamit at mga kilos. Kapag tinatanong ko siya kung bakit niya ako pinakikialaman, ang sabi niya ay mahal daw niya ako.

Dr. Love, please help me. By the way, he is my teacher in computer. I’m 20 years-old and he is 27.

Thank you and God bless.
Sweet Girl


Dear Sweet Girl,


Baka physically attracted ka lang sa iyong computer teacher. Nasabi ko ito dahil inirereklamo mo ang sobra niyang pagbabawal sa mga ibig mong gawin. Mag-isip ka at baka hindi tunay na love ang nadarama mo. Baka ka magsisi pagdating ng araw. Hindi maganda yung ngayon pa lang ay para ka nang nasasakal sa inuugali niya. Maraming mag-asawa ang nawasak ang tahanan dahil huli na nang malaman nilang hindi sila compatible sa isa’t isa.

Importante sa relasyon ang compatibility. Yun bang tipong nagbibigayan at nagpupunuan ng pagkukulang sa isa’t isa ang magkasintahan o mag-asawa.

Dr. Love

DEAR SWEET GIRL

DR. LOVE

KAPAG

MARAMI

MARAMING

MINSAN

NASABI

NIYA

SWEET GIRL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with