Napikot ang boyfriend
August 31, 2003 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Una sa lahat ay nais ko muna kayong batiin ng isang magandang araw. First time ko pong sumulat sa inyo. Gusto ko po sanang humingi ng tulong at payo sa inyo kung maaari lamang.
Third year high school po ako at 14 na taong gulang, taga-Pagbennecan, Balaoan, La Union.
Nagkaroon po ako ng boyfriend noong nasa second year high school ako. Guwapo siya, mabait, maalalahanin, masipag at mapagbigay. Siya po ay 22 taong-gulang at unang pag-ibig ko po siya.
May isang taon din po kaming naging mag-on. Lagi po kaming masaya. Mababait ang mga magulang niya at iba pang kamag-anak at lagi po nilang itinatanong kung ako na raw ba ang magiging manugang nila. Pati po mga barkada niya ay kilala na ako at noong birthday ko, niyaya niya ako at ang mga kaibigan ko para sa kanilang bahay magdiwang ng aking kaarawan.
Nang magsara ang klase, hindi na kami nagkita at hindi na ako masyadong nagpupunta sa palengke na kinaroroonan ng kanilang puwesto.
Nagulat ako minsan dahil dumaan ako sa tapat nila at hindi niya ako pinansin. Hanggang dumating ang araw ng pasukan at nang hilingin ng kaibigan kong sumulat siya sa kanyang slumbook, malungkot niyang sinabi sa kanyang message na mag-aasawa na raw siya nang sapilitan dahil napikot siya ng isa niyang kaibigan.
Sinabi niya sa kaibigan ko na problema niya kung paano niya matututunang mahalin ang kanyang mapapangasawa pero nakikiusap siya na patawarin ko raw siya sapagkat wala naman siyang balak na lokohin ako.
Mahal na mahal daw niya ako at alam ito ng mapapangasawa niya. Kahit daw anong mangyari ay maghintay ako dahil kahit bata ako, minahal niya ako nang labis dahil wala sa edad at walang bata at matanda sa pag-ibig.
Minsan sa palengke, nakausap ko ang kanyang asawa at tinanong ko kung totoong pinikot niya ang kanyang asawa at sinabi nitong wala itong katotohanan.
Sinabi niya na minsan daw ay ako ang pinagmumulan ng away nilang mag-asawa dahil napipikon daw siya sapagkat tuwing dadaan ako sa palengke ay tinutukso siya ng iba na inagawan daw ako ng nobyo.
Ngayon po, ang dati kong boyfriend ay umalis na sa aming lugar at sa Maynila na siya nagtatrabaho.
Mahal na mahal ko pa po siya. Siya po ang una kong pag-ibig. Marami na akong ginawang paraan para makalimutan siya subalit kahit anong gawin ko, palagi siyang sumisingit sa aking isip.
Ang problema ko po ay kung paano ko siya malilimutan at talagang hindi ko siya kayang ipagpalit sa iba kahit na mayroon na siyang asawa.
Sincerely,
Mae
Dear Mae,
Lubhang napakabata mo pa para maging seryoso sa tawag ng pag-ibig lalo na ngat nag-asawa na ito sa iba.
Talagang masakit para sa isang tulad mo ang nangyari sa first love mo, subalit huwag kang mainip dahil sa paglipas ng mga araw, unti-unti mo rin siyang makakalimutan.
Iwasan mo nang makibalita pa ng tungkol sa boyfriend mo at sa halip, ipako mo ang isip sa pag-aaral hanggang makatapos ka ng kolehiyo.
Umanib ka sa samahan ng mga kabataan at maging aktibo sa gawaing sibiko para madali kang makalimot sa pagkasiphayo mong natamo.
Napikot man o hindi ang bf mo, huwag mo nang pag-aksayahang gunitain pa ang tungkol sa relasyon ninyo. Lalo lamang aantak ang sugat ng puso mo kung makakabalita ka ng ganito at ganoong kuwento tungkol sa kanya.
Paunlarin mo ang sarili at hindi maglalaon, makakakilala ka ng ibang higit na magpapahalaga sa pag-ibig mo.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended