^

Dr. Love

Iwaksi ang mapait na nagdaan

-
Dear Dr. Love, Kumusta na po kayo? Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan. Masugid po akong tagasubaybay ng inyong column at sumulat po ako sa inyo para humingi ng advice.

Tawagin na lamang po ninyo akong Ms. Capricorn. Bago pa lamang po ako sa Maynila at wala po akong kaalam-alam dito. Ang boyfriend ko ay nasa probinsiya. Lagi po akong sumusulat sa kanya pero hindi siya nagrerespond.

Hanggang ngayon ay mahal ko pa rin siya at hindi siya nawawala sa isipan ko. Lagi ko siyang napapanaginipan. Pilit ko na siyang binubura sa aking isipan pero hindi ko kaya.

Dapat ko na po ba siyang kalimutan o ituloy ko pa rin ang pagmamahal ko sa kanya kahit malayo kami sa isa’t isa. Siya po ay 23 years-old at ako ay 18 years-old.

Gusto ko rin po sanang magkaroon ng mga bagong kaibigan. Sana po ay sulatan nila ako sa 211-B Recolletos st., Urdaneta Village, Makati City 1225.

Aasahan ko po ang inyong payo.Lubos na gumagalang,

Ms. Capricorn


Dear Ms. Capricorn,


Alamin mo muna ang dahilan kung bakit hindi sumasagot sa iyong mga sulat ang boyfriend mo. Hindi kaya lumipat na siya ng tirahan kaya hindi niya natatanggap ang mga sulat mo?

Kung sa kabila ng mga aksiyon mong ito ay hindi pa rin siya sumasagot, sa palagay ko it’s about time na kalimutan mo na siya. Go on with your life. Masakit ito sa una pero walang sugat na di naghihilom. Matatagpuan mo rin ang lalaking magiging tunay mong kapalaran.

Dr. Love

vuukle comment

AASAHAN

B RECOLLETOS

DR. LOVE

LAGI

MAKATI CITY

MS. CAPRICORN

SANA

SIYA

URDANETA VILLAGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with