Collect and select
August 12, 2003 | 12:00am
Magandang araw po sa inyo at sana ay madali ninyong mailalathala ang problema kong ito.
Isa po ako sa masugid ninyong tagsubaybay. Pakitago na lamang po ako sa pangalang Karen. Biktima ako ng tinatawag na "love triangle." Tatlo ang lalaki sa buhay ko.
Ganito po ang nangyari. Una ko pong nakilala si Jake na taga-Batangas. Isa siyang professor. Nagkakilala po kami sa panulat. Nagkita na kami sa personal at dinala na niya ako sa kanila. Dinala ko na rin po siya sa amin. Hindi po naging maganda ang komunikasyon namin kahit na bf ko na siya.
Dalawang beses lang po siyang umuwi sa amin para magbakasyon. Dr. Love, may namagitan na po sa amin. Bumibilang po kami ng buwan bago magkaroon ng ugnayan.
Hanggang sa makilala ko si Jack sa chat sa internet. Pilipino siya na naka-base sa Saudi. Naging boyfriend ko siya kahit na hindi pa kami nagkikita sa personal. Noong una ay maganda ang ugnayan namin ngunit gaya ng una kong boyfriend, nawalan din kami ng komunikasyon. Hindi niya alam na may bf ako dito sa Pilipinas. December 2002 nang sagutin ko yung nasa Saudi at October 2000 naman nung sagutin ko yung nandito sa Pilipinas.
Muli ay may dumating na lalaki sa buhay ko. Hindi ko pa siya boyfriend pero may gusto ako sa kanya kasi mabait siya at talagang kakaiba. Mas bata siya sa akin nang limang taon (20 years-old siya at ako ay 25).
Tama po ba ang ginagawa ko? Sino po ba sa tatlo ang pipiliin ko? Payuhan po ninyo ako.
Gumagalang,
Karen
Dear Karen,
Hindi bat wala na kamo kayong ugnayan nung una at ikalawa mong boyfriends? So, bakit mo itinuturing na "love triangle" ang nangyayari sa iyo? Iyong ikatlong lalaki sa iyong buhay ay hindi naman pala nanliligaw sa iyo pero itinuturing mo na rin siyang karelasyon mo.
Bakit hindi mo muna siya hintaying mag-propose sa iyo bago ka gumawa ng scenario?
Sa pagpili ng makakasama sa buhay, maging praktikal ka. Huwag padikta sa puso na madalas ay mandaraya. Sa pakikipagrelasyon, huwag isuko nang buong-buo ang iyong pagkababae. Kung nangyari ito sa iyo nung una, sanay huwag nang maulit pa.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am