^

Dr. Love

Kalilimutan ko na lang ba siya?

-
Dear Dr. Love,

Isa po ako sa masugid ninyong tagasubaybay. Sana po ay nasa mabuti kayong kalagayan.

Palagi ko pong sinusubaybayan ang inyong column dahil nakakapulot ako dito ng mga aral. The best talaga kayong magbigay ng advice kaya naman nahihikayat akong sumulat sa inyo upang humingi ng payo.

Tawagin na lamang ninyo akong Ms. Capricorn, 19 years-old. Ang problema ko po ay tungkol sa boyfriend ko doon sa province namin. Simula po nang pumunta ako dito sa Maynila ay hindi na siya sumulat sa akin kahit na isang beses lang.

Ako ay buwan-buwang sumusulat sa kanya pero hindi siya nagre-respond. Pilit ko siyang kinakalimutan na lamang pero hindi ko magawa dahil mahal na mahal ko siya.

Ano po ang dapat kong gawin? Dapat ko na ba siyang kalimutan o patuloy pa rin akong umasa na hinihintay pa rin niya ako? Ano po ba ang mga palatandaan na mahal ka ng isang lalaki?

Sana ay mapayuhan ninyo ako sa aking problema. Hihintayin ko po ang inyong sagot.Lubos na gumagalang,

Ms. Capricorn of Makati City


Dear Ms. Capricorn,


Isa sa mga palatandaan na mahal ka ng isang lalaki ay kung nami-miss ka niya sa inyong paglalayo. Pero sa kaso ng boyfriend mo, tila bale wala ang pagkawala mo sa kanyang buhay dahil ang sabi mo ay ni hindi ka man lang niya sinusulatan.

Alamin mo sa mga nakakakilala sa kanya kung mayroon na siyang iba kaya tila hindi ka na mahalaga sa kanya at kapag nakumpirma mo ito, siguro naman ay dapat mo na siyang kalimutan dahil naging unfair siya sa iyo.

Ikaw lamang ang nagmamahal sa kanya samantalang ikaw ay kinalimutan na niya. Life has to go on for you. Marami ka pang makikilalang ibang mga lalaki at isipin mo na lamang na hindi siya kawalan sa iyo.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

ALAMIN

ANO

DAPAT

DR. LOVE

HIHINTAYIN

ISA

MS. CAPRICORN

MS. CAPRICORN OF MAKATI CITY

SANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with