Taksil
August 6, 2003 | 12:00am
Isa po akong mambabasa ng inyong column. Tawagin n'yo na lamang ako sa pangalang Angel.
Mayroon po akong problema sa aking lovelife. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin.
May boyfriend ako sa Cebu. Pero ang problema ay may asawa na ako. Nagmamahalan kami ng boyfriend ko. Tawagin na lang natin siyang Mr. Sagittarius.
Kapag kasama ko siya, masaya ako. Masaya rin ako kapag kapiling ko ang aking asawa pero mas masaya ako kapag ang boyfriend ko ang kapiling ko.
Marami ang nag-aadvice sa akin na layuan na ang boyfriend ko pero hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.
Angel
Dear Angel,
Madaling magbigay ng payo. Ngunit kung ito'y susundin o hindi ng pinagpapayuhan ay isang malaking katanungan.
May pag-iisip tayo. May konsensiya na nagdidikta ng tama o mali. Kaya lang, madalas nating sinusuway ang dikta ng ating budhi lalo na kung ito'y tungkol sa pag-ibig.
Alam mong mali ang iyong ginagawa. Pinuputungan mo ng dumi ang ulo ng iyong asawa. Alam mo rin na kasalanan sa Diyos ang pakikiapid.
Kung hindi mo magawang umiwas sa iyong kalaguyo, at least sabihin mo ito nang tapatan sa iyong asawa. Makipaghiwalay ka nang maayos at tanggapin mo ang ibubunga ng iyong kasalanan, gaano man ito kapait. Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended